Results 11 to 20 of 42
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jan 2007
- Posts
- 4,459
June 13th, 2007 06:51 AM #11Nako, ako din. Ung mga ganyang addict di dapat kinokonsinti. Dapat matuto sila. Kung magalit man sila sayo kasi di ka magpapautang na, mas ok na din ung konti ang friends kesa naman magkaprob pa sa huli.
Ung mga kasing age ko naman na kakilala, lagi ako niyayaya sa kung saan saan na raket na panloloko (ie networking - francswiss). Itext ka ba naman na (panalo tawa iyak talo, i'm in, etc). Sinabihan ko agad ng scam yan reply ba naman "yah! kaya nga halos lahat kasali na" hahahaha sarcastic pa, tawa ko lang pag na-TV na sila dahil sa mga niloko nila. Isa pa yan sa mga ugali ng mangungutang and manloloko, ipafeel nila na ikaw ang nawalan at bibigyan ka ng guilty feeling.
Godbless their souls
-
June 13th, 2007 07:29 AM #12
"Lend money to a bad debtor and he will hate you forever"...
May mga taong magagalit sa iyo pag maniningil ka na..that's because they would think otherwise at hindi man lang nila iniisip obligasyon nila.
Well, I had have my share of incidents where I have to go and look for the person who owed me thousands (balance sa binili niyang oto).. Nag issue pa siya ng checke na pay to cash pero pagdating ko sa banko eh naka stop payment-at a time kung kelan ko naman kailangan yung pera.
Sa mga relatives ko din minsan, tama si boss jedi, mas maganda na mag abot ka na lang kahit pa konti lang kesa utangan ka ng malaki na sa tingin mo eh malabong mabayaran.. Culture na rin natin kasing mga pinoy ang mapagkawang gawa lalo na pag kadugo mo..di mo matiis minsan..
-
June 13th, 2007 08:12 AM #13
Tandaan bago magpautang ang 4 C's of Credit:
1. Character - personality ng nangungutang. May history ba na hindi nagbabayad sa mga inutangan? Pinagkakatiwalaan ba sya ng ibang tao? Wala bang criminal or penal offense?
2. Collateral - meron ba syang kasangkapan o pagaari na merong at least 25% more (in value) noong inutang o uutangin nya para ilaan bilang puhunan?
3. Capacity - Meron ba syang trabaho/negosyo o kakayanang magbayad kahit hulugan?
4. Condition - Wala ba syang balak mag-abroad at takbuhan ka o kaya malubhang sakit na pwede nyang ikamatay? Wala kaya syang iba pang inutangan bukod sa yo?
Ang taong may masamang balak sa simula pa lang, kahit anong kilatis o paniningil ang gawin natin, ay talagang gagawa ng paraan para takasan ang obligation.
Kung kaibigan o kamaganak ang nangungutang bigyan mo na lang ng kahit 50% ng inuutang nya kasi talagang magiging problema yan sa singilan. Kahit hindi ka na mabayaran, kalahati lang ang nawala sa yo.
Kung hindi mo naman masyadong kilala, wag ka ng magtiwala o hindi kaya humingi ka ng collateral para sigurado.
-
June 13th, 2007 08:15 AM #14
-
June 13th, 2007 09:28 AM #15
-
June 13th, 2007 09:44 AM #16
-
-
October 26th, 2007 03:44 PM #18
Buahyin ko lang, na-miss ko to eh
Same experience master jedi, ang kamag-anak mahirap tanggihan sa hiraman. Mayroong may isang salita meron din namang balasubas. Ikaw na nagmagandang loob, ikaw pa masama sa huli.
may mga kumpare rin akong mga gumagamit na ganyan din ang usansya. manghihiram tapos lista na sa yelo… sa una binibigyan ko with no questions ask kasi nga may pinagsamahan kami at mga kababata ko at malalapit sa isa’t isa pero hindi natin hawak ang kapalaran kaya may mga nalilihis na iba. Wala sa kin yun dahil naintindihan kong mga naging biktima lang rin sila..
Andyan pa ngang halos sumakit ang lalamunan ko sa kaka-payo sa kanila para bumitaw at magbago. Paulit ulit na paalala katulad ng nangyari kay ganito kay ganun pero pirmi silang may katwirang pabor sa kanila…in short hahaba lang ang payuhan eh sa wala lang mauuwi….
Yun nga lang naging malamig na rin ang tinginan namin compared noong “maa-ayos pa sila” hindi sa galit ako sa kanila kundi siguro nahihiya na rin silang lumapit sa ‘kin sa dami ng mga nailista nila sa tubig at yelo..
I admire you for sharing these sa amin…. Product ka nga ng PUP… isang professionalako rin LHS naman.
O.T. I’l be missing the grand EB tomorrow Enjoy na lang to all tsikoteers who will be there. sa susunod na pagkakataon na lang po. Sagabal kasi sa EB natin ang Family Day ng kids ko sa STC eh….
-
October 26th, 2007 04:22 PM #19
I sympathize with you Sir Jedi. My case is a little different though. Several years ago I caught my ex-wife forging my signature on checks amounting to hundred of thousands of pesos! I found out that she's using the money for the house construction of his brother! The guy is the worst relative-in-law I have. He is a drug addict and is totally irresponsible.
My ex-wife insisted that maybe if he has a house of his own he will change!wtf! What kind of reasoning is that. She also insisted that utang naman daw yon at babayaran naman... as expected until now kahit isang kusing walang nabayad! Nagawa niya raw itago sakin kasi tiyak na hindi ako papayag na pautangin. Well of course... how stupid is that?
Quit the habit and be responsible... look for work for a change and I'll be happy to help you build a house! Sadly that's one of the reason why she is now an ex-wife!
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 1,842
October 26th, 2007 05:35 PM #20It is a Fact
Maraming Negosyo at Negosyante na nabubuhay sa Utang.
Ang gaganda ng kotse pero saksakan ng daming utang.
Wala din kasing Ngipin ang batas tungkol sa Bagay na ito.
At ang Checke sa atin , totally walang credibility!!!
Minsan may mga tatawag sa iyo mangungutang ang icocolaterall daw niya Cheke niya.
MUKHA MO!!!!! hehehhehehe
Baka nga hindi mo pa cheke iyan!!!
for me, pag inutangan ka ng kaibigan mo nagiiba na tingin ko.
And being a "KUMPARE" is Over Rated.
Interesting thread—really important to consider the broader impact of the National ID Law beyond...
National ID Law