New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 20 of 94
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #1
    Hindi ninyo ba napapansin na sa passing / fast lane, ang dami pa ring nagpupumilit na mababagal na sasakyan???

    Sa NLEX, 4 na nga ang lane tapos doon pa sila nagpupunta. Kapag nag flash ka ng headlight, wa epek sa karamihan. Yung iba naman may courtesy na tumabi.

    Kagabi lang, daming naka harang sa passing lane. Kaya ayun, sa outermost lane pa ako dumaan... tapos doon pa walang sasakyan!

    Shouldn't the proper road courtesy be also extended to fast moving cars?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    sa SLEX ganyan din.

  3. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    512
    #3
    Hehe....ganyan talaga, sa NLEX, yung fastest lane is the right most lane :-)

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #4
    baliktarin kaya yung rule??!

    marami kasing baluktot mag-isip..
    nakakainis!

  5. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    68
    #5
    Extend ko lang yung rant ni mazdamazda...

    Mabagal na nga sa passing lane tapos when you move to the right lane to overtake they will do one of two things...

    Either they will speed up once they see you switching lanes para hindi ka maka overtake, or kung late ka na nakita nagswitch ng lanes, flash you like crazy para hindi ka makapag merge back and speed up just enough para maunahan ka uli...

    Sometimes you wonder kung tanga lang talaga sila or tanga lang talaga sila...

    Cheers!

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #6
    Im afraid speed zoning ang the observance of these things are not applicable to our beloved roads.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #7
    problema ko din yan kapag nasa NLEX/SLEX ako.

    Nakaka-inis talaga

    Geez, ano ba yan, hindi marunong umintindi yung mga yun. Hindi dapat nagmamaneho sa expressway yung mga ganun.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #8
    eto pa!

    kapag heavy traffic naman eto ang gagawin ng mga slowpokes na yan...

    - lane splitting (4 laner na highway magiging 5 laner)
    - swerving (as in medyo hindi ka lang naka accelerate agad may naka cut na agad cyo)
    - using the shoulder (jan ako buset na buset!!! yan ang nag crecreate ng mga traffic!!! tapos sisingit pabalik)

    lagi naming napapansin ng dad ko yan... cut dito at doon... pag dating naman sa maluwag ang daan, they hog the passing lane! napapa mura na lang kami sa inis!!!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #9
    hehehe. guys, na experience nyo na ba yung may slow poke sa harapan nyo? diba ang natural instinct mo is to overtake? pero sa other lane, may slow poke din.... yung wala ka nang galawang lane...

    yun ang nakakaasar...

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #10
    nakakainis is have a 3 to 4 lane road and all the lanes are blocked by slow-pokes driving side by side to each other.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    312
    #11
    Eto pa rin:

    Yang mga slopoks ang mahilig magpasingit sa mga nagka-counter flow at mga galing sa shoulder. Di na nila naisip na unfair sa mga nasa likod na magpasingit.

    kakainis nga talaga.

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    312
    #12
    Originally posted by ghosthunter
    nakakainis is have a 3 to 4 lane road and all the lanes are blocked by slow-pokes driving side by side to each other.
    Yes, nagyari na sa kin to sa coastal road. 1 bus, isang owner jeep na may lamang banyera ng isada at isang galbanisadong auv.

    Nung monsan naman, sa coastal road din, 3 bus na parang nananadya pa. Haaay buhaaay!

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #13
    and to think, the slowpokes that I usually encounter driving sa wrong lane kapag nasa NLEX/SLEX ako EH YUNG MAY MGA KOTSE PA


    ano ba yaaaaaaaaaaaaaaaan! GRRRRRRR!

  14. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    59
    #14
    Everyday din ako dumadaan sa NLEX, madalas pag trapik ang north bound sa Malinta toll ay pumuesto ka na sa slow lane, siguradong mas mabilis at mauunahan mo pa ang lahat ng na sa left lane mo, kakaiba talaga dito sa atin.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #15
    Originally posted by happy_gilmore
    hehehe. guys, na experience nyo na ba yung may slow poke sa harapan nyo? diba ang natural instinct mo is to overtake? pero sa other lane, may slow poke din.... yung wala ka nang galawang lane...

    yun ang nakakaasar...
    Pag inabutan ko ng ganyan, iilawan ko muna sila, pag ayaw pa rin tumabi blow horn na. Pag talaga matigasan ang labanan, malas na lang sila kung pulutin sila sa kangkungan.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #16
    eto pa...

    nag dradrayb ako pauwi from pampangga (NLEX)... mga 80kph lang naman at medyo rough road...

    naabutan ko itong neon green na mitsu GSR, lowered, 17" mags, no tint, loud muffler... so ang ginawa konag flash ako at 60kph lang ang takbo niya...

    aba, tumingi ba sa akin ang lahat ng pasahero!!! yung gf niya, yung kaibigan niya at yung gf ng kaibigan niya! sama pa ng tingin sa akin!!!

    edi nag pass ako sa right na, medyo naramdaman kong nag aacelerate rin siya, pero ayun, naka cut pa rin ako sa harap niya... hehehe...

  17. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #17
    60kph kasi is the limit at NLEx so be polite din, pero ibang usapan pag below 60kph and nasa passing lane.

  18. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #18
    tsaka kung lowered tas nasa NLEX naku better nga dahan dahan nalang kasi naman iba iba level ng daanan dyan hehehe ndi pantay

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,307
    #19
    ako ino-overtake-an ko nalang yang mga yan, kung flash sila pero bitin sa tantsa, signal pabalik tapos bingbing sa busina tapos singit pabalik sa harap nila...
    Got Mazda?-http://www.MAZDAtech.org [SIZE="1"]est. 2000[/SIZE]
    got mazda 2? -> mazda2ners

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    902
    #20
    Teka, Pilipinas ba yang pinag-uusapan nyo?

    Eh, natural na talaga sa Pinoy driver yan.

    Kung gusto nyo talagang maka-ganti dun sa slowpoke, kunin nyo yung number ng Tollway, tapos tawagan nyo pag may nakita kayong slowpoke tapos isumbong nyo.
    Pag-tapos ng tawag nyo, overtake nyo yung slowpoke sabay ngiti dun sa driver na parang pinaghalong nai-inis at nang-iinis sa kanila.

    Yun lang.

Page 1 of 5 12345 LastLast
Slowpokes * the passing lane