Hindi ninyo ba napapansin na sa passing / fast lane, ang dami pa ring nagpupumilit na mababagal na sasakyan???
Sa NLEX, 4 na nga ang lane tapos doon pa sila nagpupunta. Kapag nag flash ka ng headlight, wa epek sa karamihan. Yung iba naman may courtesy na tumabi.
Kagabi lang, daming naka harang sa passing lane. Kaya ayun, sa outermost lane pa ako dumaan... tapos doon pa walang sasakyan!
Shouldn't the proper road courtesy be also extended to fast moving cars?
Mabagal na nga sa passing lane tapos when you move to the right lane to overtake they will do one of two things...
Either they will speed up once they see you switching lanes para hindi ka maka overtake, or kung late ka na nakita nagswitch ng lanes, flash you like crazy para hindi ka makapag merge back and speed up just enough para maunahan ka uli...
Sometimes you wonder kung tanga lang talaga sila or tanga lang talaga sila...
kapag heavy traffic naman eto ang gagawin ng mga slowpokes na yan...
- lane splitting (4 laner na highway magiging 5 laner)
- swerving (as in medyo hindi ka lang naka accelerate agad may naka cut na agad cyo)
- using the shoulder (jan ako buset na buset!!! yan ang nag crecreate ng mga traffic!!! tapos sisingit pabalik)
lagi naming napapansin ng dad ko yan... cut dito at doon... pag dating naman sa maluwag ang daan, they hog the passing lane! napapa mura na lang kami sa inis!!!
hehehe. guys, na experience nyo na ba yung may slow poke sa harapan nyo? diba ang natural instinct mo is to overtake? pero sa other lane, may slow poke din.... yung wala ka nang galawang lane...
Yang mga slopoks ang mahilig magpasingit sa mga nagka-counter flow at mga galing sa shoulder. Di na nila naisip na unfair sa mga nasa likod na magpasingit.
Everyday din ako dumadaan sa NLEX, madalas pag trapik ang north bound sa Malinta toll ay pumuesto ka na sa slow lane, siguradong mas mabilis at mauunahan mo pa ang lahat ng na sa left lane mo, kakaiba talaga dito sa atin.
Originally posted by happy_gilmore hehehe. guys, na experience nyo na ba yung may slow poke sa harapan nyo? diba ang natural instinct mo is to overtake? pero sa other lane, may slow poke din.... yung wala ka nang galawang lane...
yun ang nakakaasar...
Pag inabutan ko ng ganyan, iilawan ko muna sila, pag ayaw pa rin tumabi blow horn na. Pag talaga matigasan ang labanan, malas na lang sila kung pulutin sila sa kangkungan.
ako ino-overtake-an ko nalang yang mga yan, kung flash sila pero bitin sa tantsa, signal pabalik tapos bingbing sa busina tapos singit pabalik sa harap nila...
Kung gusto nyo talagang maka-ganti dun sa slowpoke, kunin nyo yung number ng Tollway, tapos tawagan nyo pag may nakita kayong slowpoke tapos isumbong nyo.
Pag-tapos ng tawag nyo, overtake nyo yung slowpoke sabay ngiti dun sa driver na parang pinaghalong nai-inis at nang-iinis sa kanila.