New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 45
  1. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    67
    #1
    Ang laki ng sign, "BAWAL TUMAWID", kasi nga busy street. Eh matigas ulo ni mister, tumawid. Nakipag-patintero sa mga sasakyan. Boogg!!! na-orthopedic tuloy.:injured: Sinong may sala? Driver? (hindi naman lasing)

    Me nagpapark sa gilid ng kalsada. Eh wala naman No Parking sign. Si driver, look to the left side mirror, look to right side mirror. Yung isang ale, nakatayo sa me gutter ng bangketa, eh biglang bumaba kahit nakikita na nya yung umaatras na kotse. Boogg!!! Nauntog tuloy sya. :faint: Sinong may sala? Driver? (hindi naman sabog)

    Medyo masikip ang kalsada. Pero may bangketa naman. Kung bakit naman itong si ***y, sa kalsada naglalakad. Ayan tuloy, nasagi sya ng Expedition. Boogg!!! Nagka-scratch tuloy ang flawless skin na ipinagpa-salamat-po-doktor pa nya. :ouch: Sinong may sala? Driver? (hindi naman praning)

    Sa EDSA, sabi ni poging pasahero sa kundoktor ng bus na sinasakyan nya: "Para na dito." Sagot ni kundoktor: "Dun na lang po sa loading/unloading area." Eh feeling stuntman si pogi, tumalon palabas ng bus. Bigla me humarurot na porsche na malay ba naman nya na me stuntman sa gitna ng EDSA. Sapul si Pogi! Basag ang bungo, labas ang isaw! :rip: Sinong may sala? Driver? (hindi naman bangag)

    Si nanay naman, hindi hinawakan si 4 yrs old na baby. Tumakbo tuloy ang bata sa kalsada. Aysus, sa liit ba naman nyang yun, hindi tuloy sya nakita ng driver ng 16-wheeler na truck. Boogg!! Ay! Kawawa naman yung bata! :angel2: Sinong may sala? Driver? (hindi naman inaantok)

    Just wondering, why is it that in most road accidents that occurred as such, major or minor, drivers are usually blamed? Is it the driver's fault if the pedestrians are stubborn? Drivers are usually assumed and presumed to be the culprit whereas the pedestrians are more often than not, the victim. Yes, indeed, there is a phrase which said: "Be a responsible driver". But as for the pedestrian, be a responsible one as well.

    To avoid accidents like these, it is only but proper for both drivers and pedestrians to be road-rules-abiding-citizens. Should everybody do so, accidents could be prevented.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #2
    i guess those are rhetorical questions...? :hihihi:

  3. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,118
    #3
    In my view, dapat PEDESTRIAN ANG MAY SALA! Pero ang alam ko sa Philippine laws, pedestrian muna bago driver. In short, mukhang driver ang palaging may sala. If it's not written in the constitution then I think usually court decisions are in favor of the pedestrians mainly coz of pity!! Pero pag ako yung judge, sesermonan ko pa yung pedestrian.

    Which comes to another question... why are there many irresponsible pedestrians? I'll put the blame on the government. Dahil sa kakulangan ng mga pedestrian facilities and kapabayaan sa mga illegal parking, mga ogags ng PUV drivers, etc... no other choice ang pedestrians but to become "irresponsible" (ie... magkipag-patintero sa mga kotse, dahil walang sapat na pedestrian crossing; naglalakad sa kalsada dahil may mga naka-park na kotse sa bangketa).

    But when it comes to EDSA and other national highways, ogagas na talaga mga pedestrians who cross these huge roads. Ang sarap sagasaan!!!! That's why I can't blame the MMDA in putting up the pink fences!!!

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    51
    #4
    Life > anything material.

    Bakit ba kasi may mga nahalong !^*& sa gene pool. :lol:

  5. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    243
    #5
    palitan lang ang batas na fair at d favorable always sa pedestrian...

    tignan lng natin kung hinde tumino yang mga lokong tawid ng tawid kahit bawal...

    ganyan naman ang mga tao dito satin....kelangan kamay na bakal para tumino....

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    36,799
    #6
    I think meron yatang law na pag 4 yrs old or is it 6 yrs old below ag nabangga mo walang kasalanan driver, dahil parents should be responsible pag ganyan age...

  7. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #7
    Yan ang mahirap, driver lang ang nag-aaral sa mga rules sa kalye(d pa nga lahat, lalo na mga tricycle driver), eh ang mga pedestrian/commuters nasa kalye din.

    Suggestion ko lang, dapat me motoring subject come Grade 4 to 6 para lahat me alam sa kalye.

  8. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #8
    I think it's the same case when pedestrians think that absolutely nothing will happen to them when they step on the ped lane. Dead Wrong .

    Pedestrians, like me, cannot rely everything on the driver of the oncoming vehicle. We also have to think and react smartly, this way the probability of getting hit from any direction will be lessened dramatically.

    Stupidity borders the fine line between life and death.

  9. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    335
    #9
    Quote Originally Posted by flex View Post
    palitan lang ang batas na fair at d favorable always sa pedestrian...

    tignan lng natin kung hinde tumino yang mga lokong tawid ng tawid kahit bawal...

    ganyan naman ang mga tao dito satin....kelangan kamay na bakal para tumino....
    korek ka dyan papi .. dapat liwanagin nila ang batas na kung hindi sa tamang tawiran na-aksidente yung tumawid dapat walang sagutin ang driver na nakabangga lalo ka nung sa hiway nangyari.. malakas loob nila dahil alam nila na kaya nilang panagutin ang driver pag nabangga sila nito eh.. mga pasaway na pedestrian.. hay! :headache:

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #10
    pag lumabas ka ng kotse pedestrian ka na!

    ang dapat kainisan ang mga drayber na hindi sumusunod sa trapiko. ano yan, binili mo lisensya mo?

Page 1 of 5 12345 LastLast
Sinong May Sala??? Driver?