Results 1 to 10 of 34
-
January 13th, 2007 02:26 PM #1
Nakatakdang idaan sa masusing pagsusulit ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang public utility drivers upang masiguro na sila ay propesyonal sa larangan ng pagmamaneho ng sasakyan.
Ayon kay Assistant Sec. at LTFRB Chairman Thomson Lantion, nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga interesadong pribadong sektor na makakatulong sa isasagawang screening procedure.
Aniya, sa ilalim ng programa, ang mga tsuper ng pampasaherong bus, jeepney, taxi at iba pang mga pampublikong sasakyan ay dadaan sa "simulation test" para malaman na ang mga ito ay professional drivers.
"Wala po tayong magagawa kung bumagsak sila sa screening test hindi po sila papayagang magmaneho hanggang sa pumasa sila sa mga tests," ani ni Lantion.
Napag-alaman na ang lalagpak sa pagsusulit ay ipapadala sa traffic academy na kasalukuyang tinatrabaho ng LTO para mas matuto silang magmaneho.
Nakatakdang ipatupad ang screening sa susunod na buwan depende sa magiging resulta ng pag-uusap sa pagitan ng board and transport leaders.
Owwsss??? Sasaludo ako kung magawa nila. Dito nga sa amin nababayaran ang examination wala pang 3 mins. tapos na.
BTW kababayan ko si "GenTom" Lantion kaya kahit papaano may alam ako sa kanya...
WALA AKONG KATIWA-TIWALA!!!!
-
DIY to death!
- Join Date
- Jan 2003
- Posts
- 451
January 13th, 2007 03:13 PM #2Lumang istorya na ito. Siguro bagong intro, pero pareho din ang ending: ningas cogon.
-
January 13th, 2007 03:52 PM #3
OK yan pero kung hiwalay sa LTO ang IT infrastructure na gagamitin sa screening process na yan eh, 'di kapani-paniwala ang resulta niyan, my idea before is for all license renewees to pass through simulation screening and computerized objective tests regardless whether they are Pro or Non-pro license holders, what do you think?
The scores will not be manipulated by anybody, and the scores on the said tests will be relayed into LTO's central database, (it's the same system we used to have in our HP-Ux quizzes before nu'ng college) para walang dayaan 'di ba? makapaglabas kaya ng flowchart ng system na 'to...
BTW, somebody has told me that LTO has improved the utilization of IT in most of it's processes, I'd agree with that on the Business Processes but with the licensing system, I strongly disagree.
-
January 13th, 2007 04:50 PM #4
It is a very nice idea. I hope it would be implemented properly. Baka lang maging additional income source ng mga bad eggs sa agency.
-
January 14th, 2007 03:39 AM #5
very nice indeed. pero may reresbak na kagad dyan, "bakit nyo mina-marginalize kaming mahihirap?" underdog love story again and again and again.
-
-
January 14th, 2007 08:15 AM #7
Mas maganda wag na lang bigyan ng lisensiya para naman mabawas-bawasan mga traysikel at mga jeepney sa mga kalsada natin.
Baka matulad lang sa drug test yang proyekto nila.
-
-
January 15th, 2007 12:08 AM #9
mas ok pa yun dumami sila ng dumami para lalo umokey ang parts trading dito hehehe. siguradong luge na sila pag nakapadami na nila, at pag nag-quit hindi na sila babalik sa ganyan trabaho
-
January 15th, 2007 06:27 AM #10
Anong Chinese brand na ba ang available sa market? Yung Leoch brand may nakita na ko post sa FB....
Cheaper brands than Motolite but reliable as well