New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 34
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #1
    Nakatakdang idaan sa masusing pagsusulit ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang public utility drivers upang masiguro na sila ay propesyonal sa larangan ng pagmamaneho ng sasakyan.

    Ayon kay Assistant Sec. at LTFRB Chairman Thomson Lantion, nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga interesadong pribadong sektor na makakatulong sa isasagawang screening procedure.

    Aniya, sa ilalim ng programa, ang mga tsuper ng pampasaherong bus, jeepney, taxi at iba pang mga pampublikong sasakyan ay dadaan sa "simulation test" para malaman na ang mga ito ay professional drivers.

    "Wala po tayong magagawa kung bumagsak sila sa screening test hindi po sila papayagang magmaneho hanggang sa pumasa sila sa mga tests," ani ni Lantion.

    Napag-alaman na ang lalagpak sa pagsusulit ay ipapadala sa traffic academy na kasalukuyang tinatrabaho ng LTO para mas matuto silang magmaneho.

    Nakatakdang ipatupad ang screening sa susunod na buwan depende sa magiging resulta ng pag-uusap sa pagitan ng board and transport leaders.


    Owwsss??? Sasaludo ako kung magawa nila. Dito nga sa amin nababayaran ang examination wala pang 3 mins. tapos na.

    BTW kababayan ko si "GenTom" Lantion kaya kahit papaano may alam ako sa kanya...






















    WALA AKONG KATIWA-TIWALA!!!!

  2. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    451
    #2
    Lumang istorya na ito. Siguro bagong intro, pero pareho din ang ending: ningas cogon.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    357
    #3
    OK yan pero kung hiwalay sa LTO ang IT infrastructure na gagamitin sa screening process na yan eh, 'di kapani-paniwala ang resulta niyan, my idea before is for all license renewees to pass through simulation screening and computerized objective tests regardless whether they are Pro or Non-pro license holders, what do you think?


    The scores will not be manipulated by anybody, and the scores on the said tests will be relayed into LTO's central database, (it's the same system we used to have in our HP-Ux quizzes before nu'ng college) para walang dayaan 'di ba? makapaglabas kaya ng flowchart ng system na 'to...

    BTW, somebody has told me that LTO has improved the utilization of IT in most of it's processes, I'd agree with that on the Business Processes but with the licensing system, I strongly disagree.

  4. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #4
    It is a very nice idea. I hope it would be implemented properly. Baka lang maging additional income source ng mga bad eggs sa agency.

  5. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #5
    very nice indeed. pero may reresbak na kagad dyan, "bakit nyo mina-marginalize kaming mahihirap?" underdog love story again and again and again.

  6. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #6
    Matindi rin siguro yung lagay dyan...

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #7
    Mas maganda wag na lang bigyan ng lisensiya para naman mabawas-bawasan mga traysikel at mga jeepney sa mga kalsada natin.

    Baka matulad lang sa drug test yang proyekto nila.

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    407
    #8
    oo sa umpisa lang yan...wala rin

  9. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #9
    mas ok pa yun dumami sila ng dumami para lalo umokey ang parts trading dito hehehe. siguradong luge na sila pag nakapadami na nila, at pag nag-quit hindi na sila babalik sa ganyan trabaho

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #10
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Aniya, sa ilalim ng programa, ang mga tsuper ng pampasaherong bus, jeepney, taxi at iba pang mga pampublikong sasakyan ay dadaan sa "simulation test" para malaman na ang mga ito ay professional drivers.

    "Wala po tayong magagawa kung bumagsak sila sa screening test hindi po sila papayagang magmaneho hanggang sa pumasa sila sa mga tests," ani ni Lantion.

    Napag-alaman na ang lalagpak sa pagsusulit ay ipapadala sa traffic academy na kasalukuyang tinatrabaho ng LTO para mas matuto silang magmaneho.
    ang talagang problema e yung pag sunod sa mga traffic/road rules and regulations..sa madaling salita....DISIPLINA...kahit isang katutak na test pa ang ibigay nila dyan..wala ding mangyayari dahil sa mga hindi disiplinado na tsuper..

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #11
    baka naman isa lang ang tanong diyan sa matinding pagsusulit na yan...pass/fail:

    "demonstrate one combination of philippine currency that adds up to P10,000" :hihihi:

  12. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    104
    #12
    nice idea.. kung matupad nga to, maganda din siguro kung i-incorporate sa drivers license kung anong testing center sila nag exam, at kung mag violate sila traffic rules, point system.. pati yung testing center may penalty.

  13. Join Date
    May 2006
    Posts
    357
    #13
    Quote Originally Posted by mbeige View Post
    Matindi rin siguro yung lagay dyan...
    pag puro makina na lang ang gumagana at nagdedecide kugn pasado ba or hindi ang applicant, I doubt it kung may lagayan pa rin na magaganap...

  14. Join Date
    May 2006
    Posts
    357
    #14
    Quote Originally Posted by M54 Powered View Post
    baka naman isa lang ang tanong diyan sa matinding pagsusulit na yan...pass/fail:

    "demonstrate one combination of philippine currency that adds up to P10,000" :hihihi:
    dapat random ang tanong sa exam, posible yun...
    parang yung exam namin dati sa cisco, 'di ako makakopya sa katabi ko kasi iba ang tanong na sinasagutan niya tapos yung isang katabi ko iba rin, tapos magkakaiba-ang pagkakasunud-sunod ng mga tanong, 'di pwede gawan ng kodigs...

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,456
    #15
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Mas maganda wag na lang bigyan ng lisensiya para naman mabawas-bawasan mga traysikel at mga jeepney sa mga kalsada natin.

    Baka matulad lang sa drug test yang proyekto nila.
    Korek

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #16
    Good idea. Unfortunately, baka hanggang good idea lang siya.

  17. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    135
    #17
    Very doubtful ung project na yan kasi:
    1. Baka sa umpisa lang maayos.
    2. Baka gawing gatasan na naman ang mga examiners.
    3. Baka hanggang exam lang ang mga tsuper at pagnasa kalye na mga reckless na uli.

    We will see..

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #18
    Quote Originally Posted by MRC23 View Post
    Very doubtful ung project na yan kasi:
    1. Baka sa umpisa lang maayos.
    2. Baka gawing gatasan na naman ang mga examiners.
    3. Baka hanggang exam lang ang mga tsuper at pagnasa kalye na mga reckless na uli.

    We will see..
    Well, if LTO does not coordinate with the law enforcement agencies and/or if these law enforcement agencies do not cooperate, then sayang lang yung initiative.

  19. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    49
    #19
    Quote Originally Posted by j_avonni View Post
    It is a very nice idea. I hope it would be implemented properly. Baka lang maging additional income source ng mga bad eggs sa agency.
    thats true. take the case of the emission testing and drug and medical testing. nagkaroon lang ng racket ang mga taga LTO para magtayo ng kani-kanilang testing centers. imagine, 200 pesos medical test na pagpinagbasa ka ng alphabet sa pagrenewal ng drivers license. highway robbery. at itong drugcheck philippines na halos lahat LTO agency may pwesto ito, mga generals ang may ari. mga buwaya kayo!

  20. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #20
    KUDOS to LTO.....Sana nga lang ok ang implementation.Kahit iapply nila yan, maiikutan parin yan ng mga tao...Tulad ng drug test at smoke belching additional pila lang pero nalalagyan din...

Page 1 of 2 12 LastLast
Matinding screening sa PUV drivers