Nakatakdang idaan sa masusing pagsusulit ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang public utility drivers upang masiguro na sila ay propesyonal sa larangan ng pagmamaneho ng sasakyan.

Ayon kay Assistant Sec. at LTFRB Chairman Thomson Lantion, nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga interesadong pribadong sektor na makakatulong sa isasagawang screening procedure.

Aniya, sa ilalim ng programa, ang mga tsuper ng pampasaherong bus, jeepney, taxi at iba pang mga pampublikong sasakyan ay dadaan sa "simulation test" para malaman na ang mga ito ay professional drivers.

"Wala po tayong magagawa kung bumagsak sila sa screening test hindi po sila papayagang magmaneho hanggang sa pumasa sila sa mga tests," ani ni Lantion.

Napag-alaman na ang lalagpak sa pagsusulit ay ipapadala sa traffic academy na kasalukuyang tinatrabaho ng LTO para mas matuto silang magmaneho.

Nakatakdang ipatupad ang screening sa susunod na buwan depende sa magiging resulta ng pag-uusap sa pagitan ng board and transport leaders.


Owwsss??? Sasaludo ako kung magawa nila. Dito nga sa amin nababayaran ang examination wala pang 3 mins. tapos na.

BTW kababayan ko si "GenTom" Lantion kaya kahit papaano may alam ako sa kanya...






















WALA AKONG KATIWA-TIWALA!!!!