
Originally Posted by
wrcastro_ph
Kakagaling ko lang dyan last Wednesday afternoon sa Cathedral, di naman ako siningil. ( Oh baka wala lang yung bantay? ). Pero madaming raket na ganyan talaga sa Intramuros area. Eto naman, makwento ko lang experience din ng kaigigan ko dyan sa Parking sa Intramuros. Dyan naman sa may starbucks na malapit sa Beareu of Immigration (tama ba?).
Habang nasa loob siya ng isang establishment doon ay tinawag sya ng guard at sinabing tino-tow daw yung sasakyan nya. So ang ginawa nya ay dali-daling pinuntahan yung sasakyan para tingnan. Nung makita nya ay kinakabit na yung pang-tow, kaya mabilis nyang tinanong yung nagkakabit kung ano ang problema. Ang sabi ng nag to-tow ay illegal parking daw. Kaya nagtanong yung me ari ng sasakyan kung saan dun sa area na may naka lagay na "No Parking" .... lumalabas ay talagang "wala" at di makasagot yung humihila... at di sya pinapansin at tuloy padin ang pagkakabit ng pang tow habang tinanatong naman ng me ari ng sasakyan kung nasan yung opisyal nilang kasama.
Dyan na napikon yung kaibigan ko at sinabihan na nya yung nagkakabit ng pang tow. Ang sabi nya ay tigilan na ang pagkakabit at "illegal" ang ginagawa nila dahil wala silang kasamang opisyal. ... sige pa din yung sa ginawa yung kolokoy..... hanggang sa binututan na nya ng baril yung mga nag to-tow at ang sanabihan na tigilan na. At sa sobrang inis nya ay sinampal nya yung nagkakabit at sinabihan nyang papuntahin yung opisyal nila at sasampalin din nya ( pero hawak na nya ang baril during that time). Lumayas ang mga kolokoy sa sobrang takot after nya sinabihan na "ayoko ng makitang rumaraket kayo dito ...... ayusin nyo ang trabaho nyo ... (habang nagmumura) " .
After that, lumapit yung guard at natuwa sa kanya dahil madalas palang raket pala dun sa area na yun ang ganyan.
Ang lesson lang dyan ay nakahanap sila ng katapat nila !
P.S. : Pulis nga pala yung kaibigan ko kaya nya nagawa yon saka alam nya rules ng proper towing ... heheheh