New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 61

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    42
    #1
    Hello everyone, ask ko lang if you have ever experienced having your car towed ILLEGALLY.

    It happened to me yesterday when I went to Mc Donald's Intramuros with my friends. Nung nag park na kami, parking ticket attendant approached me and was going to issue a ticket, I was kinda surprised cos I was not aware na may parking fee na pala doon, since it was my third time to park there, so I asked how much then about its legality (marami kasing ganyan) maybe the legality question triggered her to turn her back at us and went away without even bothering to answer my question, nag murmur lang, I didn't hear what she said, So I thought illegal nga since hindi sha nag explain.

    So what I did, I confirmed it with the security guard at Mcdo kung may fee nga, sabi nya meron daw, and I even said, ganon ba yun kahit dito kami sa parking ng mcdo mag park may bayad pa rin? which I think was just a natural reaction since we're going to eat there, dahil ganon sa ibang place, once u purchased something free na ang parking or 50% discount, i-va-validate lang. Well ganon daw talaga, under ng Intramuros Authority. I said to myself, ok, later na lang kami mag bayad after kumain... Here's what happened... after a few minutes, oorder pa lang kami ng food nun (mabilis pa sa bumbero) tinawag ako ng guard na yung kotse tino tow, I ran after it and asked them what the problem was, they just ignored me and told me dun na lang daw sa impounding compound makipagusap. Here's my violation: refusal to pay the parking fee kaya tinow.

    Makatwiran ba ito? To ask about the legality of something you are required to pay is considered refusal? And my question was not even answered! And also it was our 3rd bloody time to go there and no one had ever asked us for any fee before! Natural magtatanong ka talaga. Anyway, let's say na refusal to pay na pala ang interpretation nya sa pag ku question ko, did that give them the right to tow my car just like that? And fine me 1,500? Again my car was at the proper parking slot. If they had a problem with me about that parking fee incident, they should have just apprehended me accordingly (OA), confiscated my license or whatever! But never touch my car! It was parked at the proper place! Yung iba nga ticket lang sa windshield!

    Ang alam ko na violation para i-tow ang kotse ay yung mga illegally parked, stalled, and yung mga naka provide sa http://www.mmda.gov.ph/mmda%20regula...o.%2002-33.htm. It was soo embarrassing, 3 girls kami, 20 pesos tatakbuhan namin????

    And to make things even worse, dahil ayokong magbayad sa violation na feeling ko hindi ko naman na commit, Intramuros Authority official spoke to their parking attendant in front of us, at nag iba ang kwento, she said: my officemate was about to pay but I just stopped her, told her daw that I NEVER PAY parking fees! ano ako anak ng general? and of course yung ang tinake na side ng IA, though her statement was just plain ridiculous, naman! kababae kong tao sasabihin ko yun!?! Well, dun sila kikita eh. They did not even give us the chance to react when she was there. But in the end, after a tedious argument na cut in half yung babayaran, naging 750. Again, if it was really my fault, how come na nagkaron ng agreement na pareho kami nung parking attendant na magbabayad ng 750 dahil pareho daw kaming mali!!! Take note IA ang nag suggest nito hindi ako! TAMA BA YUN??? I am not even sure kung pagbayarin nila ng 750 yung parking attendant, eh empleyado nila yun and baka may bonus pa since ang 20 naging 750?!?! talagang racket lang nila yung tow ng tow dahil 1,500 kaagad kahit tama ka o mali.

    Sa mga na experience ko na pay parking pag di ka pa nakabayad pag park mo, they could always ask for it before you leave.

    I want to file a complaint, wala ba ako sa katwiran guys? Nakakainis lang kasi, ang magtanong ka kung legal ba ang sinisingil sayo ay reason na para i-tow ang kotse! Siguro dapat pasalamat pa ako at hindi binasag ang windshield at tow lang ang inabot ko, kasi ganon eh, kung ano maisipan nila. I'm sorry sobrang haba nito, grabe lang ang inis ko... I am open sa mga magrereact at magsasabi na mali ako at nasa guidelines ng IA ang mag tow ng kotse kahit nasa proper parking slot ka.

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    725
    #2
    That's plain BS. Anong klaseng logic mayroon yun IA? Pati na rin ng mga nagtow? Nagbigay ba siya ng receipt na nagacknowledge ng binayaran mo? Feeling ko racket lang yan.

  3. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #3
    Hmm. Ganon talaga. Baka pede mo isumbong sa Imbestigador or some show like that.

  4. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #4
    yun ba IA eh naka-katipunero outfit. madalas kasi ako sa Intramuros and most of the time parati ako nakakakita ng nag-argue na pinoy vs. mga katipuneros. for a foreign tourist, not really a good sight to see ....

    taka din ako sa mga mayari ng mga fastfood joints dyan, there was this one time nag-brief park ako sa Greenwich for my wife to order take-out. ambilis ng parking attendant and the guard of Greenwich kunwari dedma. pano sila magkaron ng customer pag ganun.

    ibang klase mga tao dyan sa Manila talaga, parking space lang sobra pinag-iinteresan. sa baywalk, sa malate, sa mga roxas blvd. hotels, kala mo mauubusan ng kanin kung makabantay sa mga parking. kung minsan magbaba ka lang, gulat ka nasa left window mo na.

    well siguro kung ano boss nila yun din sila. Si Atienza pa. inaway nya ng husto si BF, para lang masolo traffic management ng Maynila.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #5
    sa pasay, yung mga chocolate boys, siningil din ako minsan, but i argued na sakop pa ng office parking namin yung pinaradahan ko, bago umalis, nagbitaw nang salita na ang yabang ko naman daw, kaya inilipat ko na lang sa ibang parking car ko, sa malamang kasi, baka gasgasan nila, o worse ma tow din.

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,865
    #6
    total BS yan.

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #7
    mahirap un ganun... hassle lang... iwas na lang... mga tao talaga sa panahon ngaun

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    285
    #8
    ireklamo na yan sa XXX! grabe yun ah! Harapang pang hoholdup

  9. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    863
    #9
    Sorry to hear that. Ganyan talga dito sa Pinas eh, grabe talga ang pangdudugas at all levels.

    Honestly, I think take it as a lesson nalang. Next time, whenever you deal with anyone in that level, whether mmda, parking attendant, street children, security guards, try to be as polite as you can although kumukulo dugo mo hehe. Like pag may makulit na bata sa stoplight, i always use the words "pasensya" instead of the usual reaction ng motorists na isnobin sila and it seems to work and they dont bother me anymore.

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    961
    #10
    Since yun mga parking ticket attendant dyan e araw araw naman nagttrabaho sa area na yun e ikaw ng bahala "Kumausap" sa kanya at tanungin kung bakit nya ginawa yun. Bawal na ba magtanong ngayon. At bakit kailangan nyang magsinungaling. Kung pwede syang ma bad trip, pwede ka din ma bad trip. So kung ano naman ang "mapagusapan" nyo e pasensya na sya.

  11. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    167
    #11
    Quote Originally Posted by seonadancing
    Since yun mga parking ticket attendant dyan e araw araw naman nagttrabaho sa area na yun e ikaw ng bahala "Kumausap" sa kanya at tanungin kung bakit nya ginawa yun. Bawal na ba magtanong ngayon. At bakit kailangan nyang magsinungaling. Kung pwede syang ma bad trip, pwede ka din ma bad trip. So kung ano naman ang "mapagusapan" nyo e pasensya na sya.

    Agree ako dito... nangyayari kasi sa pinas sindikan na lang minsan eh...
    kung kumakabog ang diddib mo, mas kumakabog cgurado ang dibdib nun...

  12. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    19,003
    #12
    that really is unfair. ganyan din sa makati, aside from kinakwartahan na nga tayo ng mga tow companies na yan eh nag popowertrip din sila. they treat their respective cities as their very own fiefdom. whatever they want to do they do ganyan kasi ang bos nilang mga mayor kaya ganyan na rin sila umasta

  13. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    2,063
    #13
    AMP yan ah.. kakainis. shyt

  14. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #14
    Nagiging malaking racket na ito, check out this link to another thread regarding parking fees rin.
    http://tsikot.yehey.com/forums/showt...t=parking+fees

    Kung kakain ka sa Aristocrat Restaurant sa Roxas Blvd., kahit na nakapark ka na sa harap ng Aristocrat sisingilin ka rin.

  15. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #15
    BAd trip talaga iyan ..isa pa iyan Mcdo ..
    bakit di sila nakialam dapat free ang parking doon di ba since customer ka naman nila

    na experience ko din ito sa Quiapo church.may nag offer ng parking .ang tagal ko mag park (maselan kasi ako mag park gusto ko deretcho pa din ang gulong) pag baba ko sabi ko safe ba dito.sagot ba naman sa akin "up to 9 am lang kasi may nang hihila na daw ganon oras",alis agad ako .kasi matatapos pa ang mass ng around 10am ,tapos sinisingil ako .ayw ko mag bayad nagtawag pa ng mga kasama pero di rin ako nag bayad nag pakilala na lang ako dahil dami ko din friend around that area nang makilala ako ayos na lang daw pero inalis ko na din kasi di nila kayang sagutin ang nag hihila na taga city hall..talaga lokohan at sindakan na lang madalas mag yari sa ibang kababayan natin

  16. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    354
    #16
    Ang Puso po...

    A private property claims to be a public? sobra yan ha..

    I think yung sa Aristocrat, yung street where you park is no longer part of the aristocrat resto. property..

  17. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    20
    #17
    last month, bago ikasal friend ko sa manila cathedral(intramuros) ako naging witness nila sa interview ng pari. i parked in front of the church and i was surprised na may bayad na pala. grabe mga racket nila puros kadugasan ang alam na way para kumita lang.

  18. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #18
    Quote Originally Posted by motoro
    last month, bago ikasal friend ko sa manila cathedral(intramuros) ako naging witness nila sa interview ng pari. i parked in front of the church and i was surprised na may bayad na pala. grabe mga racket nila puros kadugasan ang alam na way para kumita lang.

    Kakagaling ko lang dyan last Wednesday afternoon sa Cathedral, di naman ako siningil. ( Oh baka wala lang yung bantay? ). Pero madaming raket na ganyan talaga sa Intramuros area. Eto naman, makwento ko lang experience din ng kaigigan ko dyan sa Parking sa Intramuros. Dyan naman sa may starbucks na malapit sa Beareu of Immigration (tama ba?).

    Habang nasa loob siya ng isang establishment doon ay tinawag sya ng guard at sinabing tino-tow daw yung sasakyan nya. So ang ginawa nya ay dali-daling pinuntahan yung sasakyan para tingnan. Nung makita nya ay kinakabit na yung pang-tow, kaya mabilis nyang tinanong yung nagkakabit kung ano ang problema. Ang sabi ng nag to-tow ay illegal parking daw. Kaya nagtanong yung me ari ng sasakyan kung saan dun sa area na may naka lagay na "No Parking" .... lumalabas ay talagang "wala" at di makasagot yung humihila... at di sya pinapansin at tuloy padin ang pagkakabit ng pang tow habang tinanatong naman ng me ari ng sasakyan kung nasan yung opisyal nilang kasama.

    Dyan na napikon yung kaibigan ko at sinabihan na nya yung nagkakabit ng pang tow. Ang sabi nya ay tigilan na ang pagkakabit at "illegal" ang ginagawa nila dahil wala silang kasamang opisyal. ... sige pa din yung sa ginawa yung kolokoy..... hanggang sa binututan na nya ng baril yung mga nag to-tow at ang sanabihan na tigilan na. At sa sobrang inis nya ay sinampal nya yung nagkakabit at sinabihan nyang papuntahin yung opisyal nila at sasampalin din nya ( pero hawak na nya ang baril during that time). Lumayas ang mga kolokoy sa sobrang takot after nya sinabihan na "ayoko ng makitang rumaraket kayo dito ...... ayusin nyo ang trabaho nyo ... (habang nagmumura) " .

    After that, lumapit yung guard at natuwa sa kanya dahil madalas palang raket pala dun sa area na yun ang ganyan.

    Ang lesson lang dyan ay nakahanap sila ng katapat nila !

    P.S. : Pulis nga pala yung kaibigan ko kaya nya nagawa yon saka alam nya rules ng proper towing ... heheheh

  19. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #19
    Quote Originally Posted by wrcastro_ph

    I dont find this incident funny. Pulis pala yung kaibigan mo, then he should have done the right thing. He should have known na carnapping yun, (that would qualify as carnapping, kahit sinong inquest fiscal alam yan), and he should never have manhandled that stupid tow guy. Tapos binunutan pa ng baril. (Slapping somebody, btw, would constitute a crime, "Slander by deed"). He could have arrested those crooks, and called for back-up. 117 lang katapat nyan. This constitutes abuse of authority.

    Another wrong can never right a wrong. This incident could easily have turned tragic, kung may dala ring bakal or kasamang pulis yung mga nagto-tow. Then your story would have been different.

    I've also been victimized once by those crooks, but I've never resorted to pulling my gun. I can take the high moral road, because I practice it myself. Cool lang tayo dapat. Peace!

  20. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #20
    oo pati manila cathedral may bayad yan hanggang kabila

Page 1 of 3 123 LastLast
Got towed for (allegedly) refusing to pay parking fee!