Results 1 to 10 of 63
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2010
- Posts
- 309
January 25th, 2013 01:43 AM #1Minsan lang ako napunta sa Cubao. Bakit ganon sa Cubao? Kakaiba ang traffic rules. Pwede kang hulihin ng dahil sa kahit ano. In exactly one week, nahuli ako ng mga TE ng dalawang beses. Una, dahil pakanan ako from Aurora ata yun. First time ko nakarinig ng bawal mag-kanan. Pag kaliwa maiintindihan ko pero bakit bawal magkanan? Quezon City TE ang nanghuli. Mainit ang ulo nung hinuli ako at sinasabing delikado daw ginawa ko kasi galing daw ako sa kaliwa. Di niya alam na nasa right lane na ako. Nag-explain lang ako na di ako galing sa kaliwa. Tinawag yung superior at nag "lights, camera, action" at nagacting ng good cop, bad cop. Galing niyo mag-acting. Di ko maintindihan ang traffic flow sa intersection na yun sa totoo lang dahil mukhang bawal lumiko papuntang EDSA, puro tawid-tawid lang. Hindi ko alam paano bumalik papuntang EDSA.
Yung pangalawang beses, kanina(exactly one week nangyari yung isa). MMDA naman. Mas maayos naman kausap yung nanghuli sa akin. Pero di ko parin maintindihan yung violation. Bale binaba ko yung kaibigan ko malapit sa footbridge. Hinuli ako pagkatapos dahil bawal daw magbaba sa may bus loading bay. Pero hindi ako sa loading bay nagbaba. Bago pa ako umabot sa loading bay ako nagbaba. Sige, siguro valid reason nga yun. Ang magulo lang eh, maging considerate daw sila kung nilagpasan ko nalang yung bay. Paano ko malalaman yun? Puro yellow lane yung buong edsa. Walang pwede puntahan ang private vehicles kung may kailangan ibabang kasama. May acting rin akong nakuha sa mga ito. Ngayon yung superior yung bad cop at yung nanghuli sakin yung good cop.
Naiinis lang ako dahil kakaiba ang mga rules sa Cubao at EDSA. Kung di ka familiar sa lugar, mahuhuli ka talaga. Eh diba ang traffic rules dapat common sense at pwedeng iapply universally? Bakit ganun?
-
January 25th, 2013 01:53 AM #2
^Tingin ko yung galing E. Rodriguez then onto Aurora crossing EDSA ka nahuli sir? Yung intersection na yun? Nahuli rin ako dyan galing ako ng ERod kakanan ako pa-EDSA. Although matagal na to ewan ko kung ganun pa rin doon. Maingat akong kumanan unti unti kasi diba may fence pa dun, nakasignal rin ako. Aba hinuli ako, MMDA din. Sinabi no swerving daw at may signage daw dun which is wala naman akong nakita. Sablay talaga dyan. Bat di nila hulihin yung mga PUV na binabara yung intersection dahil ayaw magsi-abante.
Wag ka magpatiket dyan. Obvious naman na pera lang habol sayo dyan. Nung nahuli ako nagkunwari akong may tatawagan, nilayasan agad ako nung MMDA. Guilty, your honor. Di pa nagmemeryenda.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2010
- Posts
- 309
January 25th, 2013 02:03 AM #3Yun nga ata yun, sir. Tama, sinabi ko wala namang sign na nakalagay. Yun yung argument ko. Ang sabi sakin nung matabang superior "sana di ka na nakikipagtalo, para wala nang problema". Ang argument ko, hindi ako galing sa left lane, nasa right lane na ako kanina pa dahil nga di gumagalaw tong mga jeep na nanghaharang naman ng intersection. Di naman problema magkanan dahil nga nakaharang mga jeep. Di ako nagpaticket pero no choice, kinotongan ko. Ako kasi pag may clear violation, nagpapaticket ako. Yun lang sinusulat na pangaln ko sa ticket pero di rin tinuloy. Ang inaalala ko lang, baka pagrenew ko ng license, may balance ako na di nabayaran. Sana hindi dahil wala akong pinirmahan at binalik license ko.
-
January 25th, 2013 02:08 AM #4
Kapal ng mukha nyan. Dapat di ka na nagbigay. Or nagpatiket ka na lang tas i-contest mo. E since ayaw kang tiketan, pwede mo rin siya i-reklamo.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2010
- Posts
- 309
January 25th, 2013 02:11 AM #5
-
January 25th, 2013 02:22 AM #6
Next time siguro sir wag ka na magbigay sa mga yan kung alam mong wala ka namang vina-violate na traffic rules. Argue your way out in a nice manner, bibigay din yan, makukulitan sayo at pakakawalan ka na. Gaya naman ng sabi mo pag may violation ka, nagpapaticket ka naman. Hingin mo rin pangalan nya at mission order. Kapag inangasan ka, ibang usapan na yan.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2010
- Posts
- 309
January 25th, 2013 02:32 AM #7Advice taken, sir. Usually pag nakikipagusap naman ako sa TE, magalang ako at di ako nagaangas. Yun lang nung hinuli ako neto, mainit na ulo. Mahirap rin kasi minsan lang ako napadpad sa Cubao kaya di rin ako sigurado kung may violation nga ako dahil yun nga, kakaiba ang mga violation sa EDSA. Parang gawa-gawa lang mga violation. DI ko tuloy alam alin yung totoo at hindi.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 250
January 25th, 2013 03:08 AM #8Meron pong maliit na sign na No Right to EDSA coming from E-Rodriguez. Pwede ka lang kumanan sa EDSA kapag galing ka sa Aurora Blvd mismo
-
January 25th, 2013 07:15 AM #9
Ok, then paano ka pupunta ng EDSA coming from E. Rod kung may ganyan? Parang di naman ata tamang bawal kumanan papuntang EDSA pag galing kang E. Rod.
Tsaka kung sakaling bawal man at may sign, eh lakihan naman nila para nakikita ng mga tao. Sa case kasi ni TS, walang nakita kung meron man kasi nga sabi mo, maliit yun sign.
Minsan kasi, sinasadya ng iba na ganyan para may magatasan sila.
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Jan 2008
- Posts
- 4,726
January 25th, 2013 09:36 AM #10kaya na sasampal yang mga TE eh.. puro mga ogags kasi...
ngayon post nyo naman yung mga kalokohan ng mga MMDA na yan sa youtube
It is repairable. But as oj88 mentioned, it is messy (when repaired) and best used as a last resort.
Liquid tire sealant