Dapat dyan sa mga drivers ng PUV eh mag undergo din ng random drug test baka kasi sabog na naman yung driver. Mga naka-drugs yang mga yan dahil para di nila maramdaman ang pagod. Isa pa, naghahabol ng mga pasahero yang mga yan para kumita.
Ang dapat gawin dyan huwag na basta basta magbigay ng lisensya ng hindi pinag tetest-drive sa LTO at dapat mag undergo nadin yang mga yan ng psychological test maski na yung kundoktor.
Dapat lang naman nila tandaan lagi dapat may disiplina ka sa pagmamaneho. Malaking problema ito sa ating bansa, ayaw magpadisiplina ng mga tao akala kasi nila, tama lahat ang opinion nila.