New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 31 to 40 of 41

Threaded View

  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    14
    #1
    Hi! post ko lang po itong napakasamang service ng Sumo Sam(Jap resto) sa Shangrila.

    Kumain kami dito with my family kasi sabi ng mom ko oks daw dito since paborito ko ang jap food. After waiting for around 20 minutes para lang makaupo ayan so, nag order na kami tempura, cali maki, sashimi,chicken rolls, jap carbonara, plain rice, beef teppan, fried rice...Dumating na po ang ibang order, carbonara, maki, sashimi, tempura and yung mga drinks. Ako naman di pa talaga full kain, tikim lang ng tempura kasi inaantay ko yung fried rice na order ko and beef teppan.

    And so ang tagal na ala pa yung order ko, so follow up ko yung order.Fast forward..naka 3 follow up na ako and di pa dumarating. So nung pang apat na follow up ko, maya maya may lumapit na ibang food attendant, at tinanong kung may order daw ba kaming fried rice? wala daw nasulat..Ayaw ko magalit since naka experience na ako mag work sa restaurant so ayun sabi ko iluto na nila para wala na hassle...then dumating na yung fried rice, finally! ubos na lahat ng order namin nung dumating. Tinanong ko yung beef teppan kung asan na. And guess what kung ano sagot sakin? Naunahan daw kami nung kabilang table sa beef teppan at di na daw available. WTF!?meron bang ganun? 4 times na finollow up dapat nga sa unang follow up palang o sa pag order sasabihin na nila kung available o hindi, and worst eh may nakauna daw. Sabi ko dapat ininform nyo man lang kami na wala na pala(dito na ako nagalit, di ko na napigil) eh 4 na follow up wala man lang nag sabi. Nag iintay ako sa wala. Sagot lang nya sakin: "kaya nga po sir" "kaya nga yung rice pina rush ko na rin". Mga Eng*t na sagot. so what kung pina rush? Sumablay na nga sila dun sa rice eh.

    Grabe talaga to, HRIM grad ako so may background sa service and experience ako sa resto, grabe mga food attendants dito kung mag pasahan ng trabaho. Me walang alam sa menu nila, yung kumuha ng order namin tinitignan pa ang menu para kopyahin yung order namin, walang idea kung ano yung food items nila. As much as possible hindi talaga ako nagagalit sa resto, pero ito iba, talagang pina init ulo ko dahil obvious na wala man lang training at seminar basta pasok na lang ata basta basta kung may nag apply sa kanila. And sabi pa pala ng supervisor ng huli, mag papaluto sya ng beef teppan, hahaha! after all that BS nagkaroon bigla ng beef teppan? what a lousy service.

    Sensya na mahaba, share ko lang to kasi nasira talaga family day namin dito sa ResTaurant na ito(Sumo Sam).

    PS... yung bartender pala nila eh kain ng kain ng prutas na ginagawa nya with matching pag titinga. And to think nasa gitna at mataas na spot sila ng dining area. tsk tsk...
    Last edited by Gboy29; August 8th, 2006 at 05:17 AM. Reason: typo error

Bad Restaurant Service...