You're on the leftmost lane trying to turn left. Then an SUV on the middle lane makes a U-TURN and almost runs over your vehicle.
Papalit ka ng mas malakas na busina bro, yung iba nakukuha naman sa mild na busina, pag sobrang manhid talaga medyo malalim na busina sabay pina.
Importante lang sa akin na gumilid sila sa outerline at hindi yung nakapirmis pa sa innerline or malapit sa inner line lalo na at may nakabuntot ng mas malaking sasakyan sa kanila.
^^^ Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit doon mismo sa linya sila "tumutulay" at lumalabas pa ng linya?
Businahan mo nang businahan, bro...
17.9K:cupid2:
meron dito parang tangang tricycle, ilang beses ko nakasabay sa kalsada, nakakainis nakikipagkarera ang loko
kala mabilis tricycle nya e kotse gamit ko, dami humps dito di pwde magmabilis isang beses nagulat ako nasa likod ko agad
tapus pumunta sa gilid at humarurot e naiiwanan naman agad sya pagdating sa humps todo broom broom ang loko kaya nakasabay
ulit kahit humps broom broom pa din , binagalan ko nalang parang may toyo kasi, ba bigla din binagalan haha nananadya yata
kaya pagdating sa next hump binilisan ko na gear 2 palang ako iwan agad.
after a week ayun nakasabay ko na naman ganun pa din kahit meron ako katabing ibang tricycle balak pa nya kong overtakekan
haayz e medyo napupuno nako kaya binagalan ko ng sobra after madaanan lahat ng humps sa amin pati ko pinaharurot ayun
kumain ng usok ang loko.
pangatlong beses kanina lang, sya na naman lagi ko nakakasabay sa umaga, mahilig talaga makipag karera tong tricycle driver nato
natatawa ako panay lingon sa kotse ko nakita ko biglan hinarurot na naman tricycle nya, dko alam kung anong gustong patunayan
dpa ako nakakabwelo iwan agad motor nya samantalang nakatodo na sya, minsan dko alam kung matatawa ako sa kanya
o mapipikon
sana makahanap sya ng makakarera na kotse at bababain sya para mabigyan ng lesson. baka makaaksidente kasi, kangkarot sa daan
I don't know kung ako lang nakaka-pansin nito.
Everytime I gas up, I sometimes encounter drivers (inside their cars of course) na naka-babad sa tabi ng fuel pump, even though tapos na sila kargahan ng gas, and all they are waiting for is their change and receipt! Unmindful na meron sumusunod na mag-papagas din sa likod nila.
There was one guy that literally had me blowing my head gaskets off! After he finished loading on fuel, waiting for his credit card and receipt, ............ left his car beside the fuel pump because he needed a toilet break!
Susmaria naman!
Another is the driver who waits for the last lousy minute to look for loose change inside his/her car to pay for the toll ... Tapos when already paid, hindi pa aalis yan kasi they are pulling out their wallets and ilalagay pa dun ang sukli nila .. Hay!
ako yung mga drivers na alam naman nila na red light magbubusina sa likuran mo. parang helloooo?? gustuhin mo man umalis sa pwesto mo alangan naman paliparin mo kotse pataas.
ako i smoke. pero at the right place. malayo sa asawa't anak at malayo din sa fuel pump ng gasolinahan....ako ayaw ko dun sa mga naninigarilyo habang nagpapakarga ng fuel kahit diesel pa yan.....
kasama ko last time family ko with the in-laws (mother & sisters), nakapila ako sa isang nakamotor nang bigla na lang ako may napansin na usok sa may motor. yun pala naninigarilyo si mokong (yung nakamotor), sinabihan ko ngayon yung gas boy tungkol dun. sinabihan nga nya kaso yung rider nilagay lang sa likod nya yung yosing nagbabaga habang nagkakarga ng gas...talk about stupidity. kala nya siguro insulator sya sa baga ng yosi......nakalagay pa naman sa yosi pack "smoking kills".....tigilan ko na siguro sigarilyo. hehehe
pangalawa, muntik pako nakabangga ng motor na walang ilaw habang humaharurot sya sa kalsada....
pangatlo, muntik din ako nakabangga ng motor na bigla na lang sumingit habang tumatakbo ako at yung kasunod ko ng 40kmh. sa pagkakasipat ko hindi sya makakasingit. kala ko nga di sisingit at may hihinto rin sa may bangketa. yun pala sisingit.
eh hindi man lang magsignal at wala pa ilaw likuran ng motor nya. nung binusinahan ko para warningan, sya pa tong tumingin ng galit paulit ulit habang tumatakbo. napatawa na lang ako nung gumewang motor nya sa kakatingin sa likod. bwahaha
lahat ng to nangyari sa isang oras lamang. deymn!
Ganyan yata, cunsuelo de bobo na yung trike sya at kotse ka pero he can keep up with you.
I remember experience ng wife ko, sa isang maluwag at mahabang daan, sinabayan sya ng motor na kala mo nakikipag drag race. Nanalo naman yung motor at nauna sya sa dulo. Bakit nanalo yung motor? Because my wife knew na may "invisible" humps sa dulo ng road so she slowed down. Unfortunately for the rider bago lang sa lugar, so yeah, I imagine he was celebrating his victory when he flew from his motorcycle.
Eto, young reckless driver on Edsa going to Makati. Jan 26, 10am, brand new Jazz walang plaka pa pero may Red Bull stickers. May na-cut siyang red Mazda Pickup pababa ng Kamuning flyover at muntik na tumama sa railing yung Mazda pickup.
Sa galit nung driver ng Mazda pickup inabot siya sa New York dahil matrafic at binabaan. Kinatok siya sa bintana at sinagawan ng 'marunong ka bang magmaneho?? Takot din yung Jazz driver dahil hindi niya binaba yung bintana at malaki yung mamang driver ng Mazda.
Kita ko ito lahat dahil nag-cut din sa akin yung Jazz para makaiwas sa Mazda pickup.
Nung nakatakas na yung Jazz, ganun pa din siya , cutting all cars kahit maluwag na along Greenhills.
Mag-ingat sa mga ganitong style ng gunggong na ito.
Ma-sobrahan ata ng Red Bull itong batang ito, tsk, tsk.
^ Sana tinadyakan nung naka mazda yang driver side ng jazz o di kaya pinadaanan nya ng susi. Sarap banatan yang mga ganyan sa daan.
Alangya. Nauuso na yung LED bar na sabog ang buga.Supposed to be ang alam ko pang offroad lang yun para mailawan buong paligid. E pucha may gumagamit sa city roads. Sobrang nakakasilaw!! Sa mga nagpplano bumili nun parang awa nyo sa kasalubong nyo wag nyo gamitin on city roads yan unless you're an idiot who turns off your HL/FL and uses the LED bar instead tulad ng Silver Strada na nakasalubong ko kagabi. Lintik yun.
Oo bro Vinj. Yung mga P*#$*#!%#$*#%*^ trike sa Mandaluyong na yan, sarap ubusin! Kahihilig mag counterflow para lang makasiksik sa isang eskinita. Buti sana kung libre yung pupuntahan nila, eh barado din, gridlock tuloy, nakarinig tuloy ng Mitsuba na hindi pumipiyok. Hahaha! Days like these, I wish I had Hella Supertones (yung malakas na matinis) o a can of compressed air.
MacArthur tricycles are even bigger j*ck*sses. Taking their own sweet time on a f-ing highway while taking up the inner lanes. And not even having a look at their surroundings before turning. Ayun, one did a wheelie ng di oras.
Last edited by IMm29; February 4th, 2013 at 10:36 AM.
I just got back from up north and I still have no love lost for those trikes.
Sa Rosales may kasabay akong EG Civic riceboy na overtake-ng overtake ng alangan. When i tried to pass him from standstill as a jeep stopped in the middle of the road and naipit siya, he swerves to the shoulder at ayaw ako paunahin. Palakasan nalang kami ng first gear so syempre nauna ako by the time i shifted to second gear. :D I slowed down again afterwards as I saw there were a lot of jeeps, buses and people in front of SM Rosales and ayan, nag overtake nanaman ng alangan and right after getting ahead of me (i just let him pass so as not to cause any accidents), he stops suddenly and papasok lang siya sa SM Rosales pala... may mga tao talaga ayaw maunahan sa kalye.![]()
Nagkakape pa :D
Last edited by vinj; February 5th, 2013 at 09:33 AM.
^ Hey vinj, di na kita nakikita sa edsa. Hehehe.
meron ako nakasabay ganyan kanina sa P. Tuazon, ioovertake ko sana but this idiot in this white Montero sped up. Take note sobrang bagal nya beforehand. Di ko lang naunahan ng tuluyan kasi may bus na na paparating. At nung nasa likod nya na ko, mabagal ulit. Wtf.
Sent from my GT-P7310 using Forum Runner (wishing tapatalk is already working)