ito'y particular sa mga baguhan driver at lalo na sa mga babae.

sa mga iba lalo na sa mga nakatira sa city at yung ibang work at bahay lang, hindi siguro nila nababalitaan o nakakakita ng mga aksidente dahil sa automatic na car.

pero sa mga gaya kong nasa probinsya, gala at maramingggg kamag-anak, kaibigan at kakilala, madalas akong makabalita o makakita ng ganitong pangyayari.

nangyayari kasi, imbes na yung break ang maapakan, e yung gas, diin o sagad yung apak kasi nga magpreno sana kaya resulta, sobrang sirit ng car. nakakalungkot neto may personal na akong nasaksihan, yung isa co-teacher nya, patay kasi nasa harapan lang niya, yung isa naman, 2 anak nya, patay din kasi nasa harapan din. yung isa naman, nagpa-park, yung bunggo nasa harapan. mga personal na nasaksihan ko yan, di pa kabilang mga nabalitaan ko.

di maiiwasan kasi minsan yung mabigla ka, mag-panic, ma-block, etc kaya yung paa di na maintindihan kung saan ang apak.

magaling sa manual kasi kahit mabigla ka, instinct na dun sa left foot mo na apakan ng sagad yung clutch, so safe kahit silinyador maapakan mo.

kaya sa mga baguhang driver lalo na sa mga girls dapat manual na lang car nyu.

sana ang automatic pag tinapakan ng sagad yung gas inde sya sisirit ng takbo.