Toyota Altis 2011 2.0V. Was selling for Php450k sa OLX. Gustong-gusto ko na yung unit since 2.0V na, pearl white pa, kaya medyo dinare ko yung seller sa presyo ko. Nag-counter offer siya ng konti kaya kinuha ko na.

Nung test drive pa lang, medyo napansin ko na medyo hilaw ang lamig. Tanghaling tapat pa naman kami nag-test drive. Maganda ang takbo ng makina at maganda pa rin ang ride comfort so go na kami sa deal.

Nung ginagamit ko na, lumalamig naman kapag gabi at umaga. Kapag inabot ka ng tanghali papawisan ka talaga kahit naka-ON ang aircon. Nung pinatingnan ko sa 4 na iba-ibang aircon shop pulos compressor na ang verdict. Quoted price for the repair ranged from P32k to 45k. Buti na lang si Php32k malapit lang sa bahay kaya ipinasok ko na sa kanila. Ngayon okay na, sulit na sulit ang lamig. I set it to 27degrees night or day at malamig na siya. Kung me pasahero set ko siguro sa 25 or 26 degrees.

Isa ko pang napansin yung me maingay sa labas kapag nagda-drive. Yung tunog parang gulong na nagwi-wiggle. I checked the tires at yung tatlong Dunlop Sports eh 2016 manufacturing date, while yung isa eh 2010 pa at medyo kalbo na nga. To change to the same tire eh 8k daw isa, so I bought 2 Yokohama A.Drive R1 na lang for a little more than 8k and installed both sa front. Mas soft ang ride as compared to the Dunlop. Yung isang orig tire eh nilagay ko na lang sa spare.

So far, yan pa lang mga napagawa ko, and still, all in all di pa rin umabot sa original Php450k asking price.

Project wise, so far napakabitan ko na ng 9-inch Android head unit with TV Plus panlaban sa inip kapag trapik. Next would probably be an upgrade to either a 17" or 18" rims (and tires na rin).