New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 8 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 71
  1. Join Date
    Apr 2015
    Posts
    28
    #1
    Mga sir, katuwaan lang. Baka meron sa inyo pwede makapag share ng kwentong buhay nila sa mga nabili nilang second hand cars.
    Sa kagaya ko na baguhan sa kotse. Di natin maiiwasan na makabili ng kotse na di natin alam na may malaking problema pala.
    Para din to malaman ng iba kung anong dapat isipin bago bumili ng second hand na kotse at anong maaring maging problema kung sakali.

    Model:
    Unit cost:
    Issues (day bought to date):
    Total repair cost:
    Stress level: rating 1-10
    Story:

    So ako na mag simula.

    Model: Civic VTi 99 A/T
    Unit cost: 190k pero hulugan for 8 months. bali 70k down then 15k monthly.
    Issues (day bought to date):
    1. Nasira aircon so palit compressor, drier, cleaning and dagdag freon - 6k inabot
    2. Palit IACV kasi pumipitik yun menor kapag naka aircon - 2k
    3. Bushings sa ilalim - 1.5k
    4. Battery and alternator kasi biglang tumirik yun kotse - 7k
    5. Axle shaft replacement (cv joint, boots, tie rod, suspension upper) - 8k
    6. Palit IACV ulit kasi namamatay bigla (hindi ko alam kung tama bang nag palit ako agad) - 2k
    7. Balik thermostat and switch tapos wala palang lalagyan so bumili pa ng surplus - 6k ata total inabot
    8. Overhaul rack and pinion at PS pump - 8k
    9. Ngayon naman tinatop overhaul makina ko kasi may singaw na - current bill is 14k

    Total repair cost: Around 54k total
    Stress level: 10 of course kasi walang isang buwan na wala akong papagawa

    Story:
    This year lang nun naisipan kong bumili ng kotse kasi nakakaluwag ako dahil medyo umangat ng malaki yun sweldo ko at marami akong projects na dumating. So kinausap ko yun barkada ko na baka meron syang kilala na may binebenta. Unang plano ko ESi lang kasi nasa 100-120k lang yun maganda na. Pero may kilala syang barkada nya nagbebenta nga yun VTi 180k pa benta nun. Fast forward, nagusutuhan ko yun VTi so nag loan ako sa mga banko pero walang nag approve. In short kinausap ko yun seller na baka pwedeng installment na lang (mga 2months na ligawan yun) ang ending e pumayag sya. Usapan namin 70k dp then 15k monthly for 8 months so ang total is 190k na dapat 180k lang kasi sinabi ko na dagdagan na lang since hulugan naman.

    Ang pinaka mali ko lang talagang nagawa sa pagpili ng kotse ay hindi ako nag dala ng mag chcheck ng sira o mga dapat pagawain kasi sobrang tiwala ako e kasi barkada nga at sa mga sabi sabi nila na maingat sa kotse yun nag benta. Kaya hangang ngayon e hindi pa din maubos yun pagawain ko hangang sa kailangan na ngang pagawa yun makina.

    Ang payo ko lang sa mga may planong bumili ng kotse lalo na second hand. Tignan nyo muna yun kapasidad nyo magbayad at mag maintain ng kotse dahil napakadali bumili ng kotse ang mahirap ay yun mag maintain at mag pagawa dahil sobrang sakit talaga sa ulo. Saka wag ka din magtiwala sa sabi sabi dahil hindi titino ang sirang kotse kahit na ano pang sabihin ng kaibigan mo na ok yun kotse. At kung makabili man kayo ng kotse na maraming problema, ibenta nyo na din kaagad kahit palugi para iwas sakit sa ulo. Pero kung mahal mo yun unit e ipagawa mo na lang gaya ng nangyari sakin dahil 1st car ko nga. Marami na akong plano sa kotse unting tiis na lang giginhawa din ang buhay. HAHAHA!

    Kaya ngayon lagi sinasabi ko na lang na "Charge it to experience" pero in the end nakakaiyak sa bulsa. HAHAHAHA!!!

    Share naman kayo mga idol para makagaan din ng loob at makatulong na din sa iba.

  2. Join Date
    Aug 2015
    Posts
    109
    #2
    2000 civic lxi mt
    190k

    wala ko pinagawa nung unang taon samin kakilala kasi ng pinsan ko ung nagbenta tsaka nagsama din kami mekanik. tapos unti unti nang lumabas pagawain, palit buong clutch, palit evaporator, compressor bearing,balljoints, timing belt. nagleak na rin power steering, clutch fluid, coolant. hindi ko na tanda kung magkano na nagastos heheh.

    wala pa din akong balak ibenta. unang auto ko din kasi, dami ko dinnagawang bangas dito, hehe.

  3. Join Date
    Aug 2015
    Posts
    109
    #3
    battery tsaka mga ilaw nagpalit na rin ako hehe

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    biggest headache from a second hand car i got is from my 2007 Getz.

    a. after six months, palit clutch. bill was around 7k
    b. after 12 months, sumabog yung radiator.... palit radiator.. bill was around 7k...
    c. after changing radiator, nag ooverheat.... palit thermostat... around 1.5k.
    d. after 18 months, while driving along slex, nagkatukan ang makina...... stalled before reaching sucat. had it towed to alabang.... pagbukas ng makina, watak watak ang camshaft, valves, basag ang engine block.... no choice except to do an engine change.... cost around 120k.
    e. afterwards, nasira ang suspension bushing and stablizer link bushings.... medyo mura lang.... cruven ko lang pinatira, around 3k.
    f. afterward, bumigay battery.... 4k.

    nung natapos na lahat, binenta ko na... di man lang nakabawi.... sold it for around 140k....

    stress level...... 20/10.... poocha....

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #5

  6. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    153
    #6
    That's the reason why I always buy brand new.

  7. Join Date
    Aug 2015
    Posts
    220
    #7
    Naputulan ka siguro ng timing belt kaya nagkawasak wasak ang engine mo, dapat yan agad ang pinapalitan upon aquiring ng 2nd hand car kahit pa sabihing low mileage pa, para mas makasiguro ka.

  8. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #8
    Number 1 siguro itanong sa nag bibinta e bakit niya e bibinta ang auto? For me emergency or biglaan migration ang mga valid na reason, wala naman silang balak mag binta pero needed na nila agad,, sabi nga mabilisang binta. Kasi kung binta para bumili ng bago e mag duda na agad, expect na may masisira na,,

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #9
    Quote Originally Posted by Mentis View Post
    Naputulan ka siguro ng timing belt kaya nagkawasak wasak ang engine mo, dapat yan agad ang pinapalitan upon aquiring ng 2nd hand car kahit pa sabihing low mileage pa, para mas makasiguro ka.
    yung sa akin hindi, kasi a year before, pinapalitan ko na ng TB and wp yung oto.
    ang naging problema, bumara yung oil circulation.... daming sludge ng makina... apparently, yung previous owner did not observe proper oil change intervals....

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #10
    Quote Originally Posted by dishcom View Post
    Number 1 siguro itanong sa nag bibinta e bakit niya e bibinta ang auto? For me emergency or biglaan migration ang mga valid na reason, wala naman silang balak mag binta pero needed na nila agad,, sabi nga mabilisang binta. Kasi kung binta para bumili ng bago e mag duda na agad, expect na may masisira na,,
    should be a lesson learned.
    as they say, mahal ang tuition fee.

Page 1 of 8 12345 ... LastLast

Tags for this Thread

Kwentuhan: Storya/Problema mo sa 2nd hand car mo