New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 8 FirstFirst 12345678 LastLast
Results 31 to 40 of 71
  1. Join Date
    Aug 2015
    Posts
    862
    #31
    ^^me tanong lang ako boss. Doesn't it bother you ho ba na malapit nyo na ma exceed sa cost of repairs ung actual value ng kotse as a whole? Nung kinuha nyo ba sya may idea na kayo na ganyan ang kalalagyan nyo since neglected? Mejo stressful and money pit talaga.

  2. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    1,722
    #32
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    based on experience, yes. mas ok bumili sa dealers.... the worst thing they can do lang is to tamper your odo. pero kung titignan mo, ganun pa din, you will never know the condition of your engine's innards until it explodes in your face. unless during vehicle inspection, bubuksan mo talaga makina.

    kung afford pa rin talaga, mas ok pa din kumuha ng brand new..... talo talo na lang sa depreciation.
    I was about to ask this - kung okay ba bumili sa 2nd hand dealers or directly sa owners. Feeling ko nga mas okay na siguro sa dealer. Syempre alam na nya presyuhan so for sure natawaran na rin sa owner yan, then konting patong na lang. Then kabisado na rin nila tumingin ng fresh at ng lemon. Tapos kahit papaano siguro me konting warranty rin. Agree ba kayo or hindi?

  3. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,114
    #33
    2004 Altis (not much problems. I guess these are just wear and tear)
    bought 2010
    - replaced aircon magnetic clutch after 1 year - 3K
    - replaced aircon evaporator after 3 years - 8K
    - replaced radiator after 4 years- 6K


    2005 Mazda 6
    bought 2015
    - replaced tie rod/rack end/support (etc na pang-ilalim) after i bought it - 25K
    - replaced 4 tires - 20K
    - fix aircon hoses - 2K
    - replaced radiator after masira ung kabitan ng hose nung nagrepair sa aircon - 6K

  4. Join Date
    Aug 2014
    Posts
    1,186
    #34
    2007 Fortuner 2.7
    Bought 2013 w/40k mileage
    Unit Cost : 500k.

    Stress :
    1.Tumaob pala yung sasakyan nabili ko kaya pala hindi pantay yung roof niya at puro Gasgas yung Roof Rail, lately ko na lang nalaman nung na stock ako sa ulanan tumutulo sa loob yung Tubig

    2. Replace Wheel Bearing sa likod

    3. Naka schedule siya next Year For change Color at i fix na yung Roof niya

    Upgrade
    - install Led bar and Roof Rack
    - change to retrofit and Angel Eyes Headlight
    - upgrade Smoked Led Tail lights
    - upgrade mags to 2015 oem Fortuner Rims
    - upgraded Head unit with Gps
    - install car show type sounds set up, 10 pieces of Cadence Neo Raw Driver.

    Story : worth it din yung mga Second hand Cars kapag na i restore o Upgrade mo ito lalo na kapag makikita mo yung Pag babago niya kaysa sa nakuha mo ito. Nakaka Gaan sa Loob., hindi ko binibilang kung magkano yung nagagastos ko kasi wala. Naman ako balak ibenta pa, Yung sakin kahit taob na unit hindi naman ako binigyan sakit ng ulo sa makina 4 times a week nga ito lumuluwas wala naman nagiging Problema hindi nag babago yung Temperature niya. Malakas lang talaga Sa konsumo at Gasolina nga expected na yon

  5. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    84
    #35
    Bought honda city 2009 E series and matic from my boss last May 2014. Metallic finish. Monday coding. Bought it for 454k with 9 mos worth of insurance plus branded child seat. Mataas sya comparatively sa iba and super research nko sa ibang cars pa nyan. Mabilisang deal lng kmi coming from our monthly coffee session. PROS: mukhang bago pa rin, though faint na but it still has the new car smell, with HID na including fog lights, casa maintained, walang Major accident other than naatrasan sya before pero fixed na. CONS: 66k un odo which is minimal. Ala na ata CONS eh. Oh wait, pinaltan na pala nmin un HID. Other than that, wala na kmi ginastos. Maintainance na lng...sa Shell. Hehe.

  6. Join Date
    Oct 2015
    Posts
    922
    #36
    Quote Originally Posted by gearhead000 View Post
    I was about to ask this - kung okay ba bumili sa 2nd hand dealers or directly sa owners. Feeling ko nga mas okay na siguro sa dealer. Syempre alam na nya presyuhan so for sure natawaran na rin sa owner yan, then konting patong na lang. Then kabisado na rin nila tumingin ng fresh at ng lemon. Tapos kahit papaano siguro me konting warranty rin. Agree ba kayo or hindi?
    Malaki yung factor na ok ang auto kung galing sa dealer. Sabihin na natin na hindi naman sila bibili ng auto na hindi nila mabibinta... syempre may mga buyer na ma alam din sa auto or nag dadala ng marunong talaga sa auto. So panu nila mabibinta doon kung palpak ang nabili nila.

  7. Join Date
    Aug 2015
    Posts
    862
    #37
    ^^ i find that they tend to lie more than the usual 2nd hand owner. Yes maaaring may alam talaga sila. Kaso lang based on experience pinagtatakpan talaga nila mga incidents ng kotse.

    We dealt with them couple of times mabuti nalang may kakilala din kami na dealer rin. He tipped us off na ung exalta napalitan na ang windshield bec of an accident. That incident was not documented at all even though casa maintained 'daw'.

    In general i think 2nd hand autos are worth it. Kahit pa nabaha yan, if for the right price naman e. Ang masama binili mo market value pero damaged goods.

  8. Join Date
    May 2015
    Posts
    11
    #38
    Quote Originally Posted by unmarked View Post
    ^^me tanong lang ako boss. Doesn't it bother you ho ba na malapit nyo na ma exceed sa cost of repairs ung actual value ng kotse as a whole? Nung kinuha nyo ba sya may idea na kayo na ganyan ang kalalagyan nyo since neglected? Mejo stressful and money pit talaga.
    No, it doesn't. Bago pa ako bumili, I already expected this kind of repairs kasi nga nasa second hand market ako, at yung budget ko ay hindi kataasan.

    Most of the problems naman na na-encounter ko sa kotse na nabili ko ay due from wear and tear. Ang tanging hindi ko lang inexpect ay ang general overhaul. medyo makati sa bulsa yun.

    Sabi ko nga sa unang post ko, dahil first car ko, ayaw kong makaramdam ng kahit konting pagsisisi. Sisikapin ko na lang ipaayos lahat ng kailangang ayusin para eventually, maging ok na lahat.

    Sa ngayon naman wala akong major issue sa kotse bukod sa gulong at underchassis. Sa papers naman, isasabay ko na sa rehistro next year yung padukot ng orig CR sabay transfer na rin sa name ko.

  9. Join Date
    Dec 2015
    Posts
    22
    #39
    Quote Originally Posted by dishcom View Post
    Malaki yung factor na ok ang auto kung galing sa dealer. Sabihin na natin na hindi naman sila bibili ng auto na hindi nila mabibinta... syempre may mga buyer na ma alam din sa auto or nag dadala ng marunong talaga sa auto. So panu nila mabibinta doon kung palpak ang nabili nila.
    Sir, question na rin. Kahit po ba sa dealers dapat me kasama pa rin akong mechanic, or mas mapagkakatiwalaan sila na at di din nila gusto mapahiya sa buyers kaya mas sure na okay ang kotse maski sabihing second hand? At saka sila napo ba bahala sa mga rehistro etc?

    Natetempt na po ako bumili sa me pangalang dealer.

  10. Join Date
    Sep 2015
    Posts
    41
    #40
    Model: 1997 Toyota Corrola Big Body (Ex-taxi)
    Unit Cost: 60k
    Issues: Ex-taxi so madami syang issues...hehe
    Total Repair costs: all in all, inabot sya sa mga more or less 120K

    Nagstart pa lang kami mag-asawa with our new born child. Since may baby na kami hndi na kami pwede magtravel ng nakamotor lang. So I started scouting for an owner type jeep sa buy and sell. At that time hindi pa ako sanay magdrive and wala akong alam about cars/automotive. Well, kahit naman hanggang ngayun eh.

    May classmate si wife na nagalok magbenta ng kotse, ex-taxi na dropped to private. So instead na owner ang bilhin bakit hindi na lang daw yun, sarado na, may aircon pa. Binili namin for 60k tapos papintura, baba makina, etc. Inabot din in total sa 120k yata. tapos every now and then may ipapaayos, or papapalitan.

    Ok naman sya. Nagagamit ko paluwas ng Manila from Bulacan. Pero hindi ako confident na dalhin sa mas malayo kasi nga baka may bumigay, expected naman yun dahil luma na yung car. Mga 4 times na din ako tinirik. First was leaked clutch hose, ayaw na magshift yun pala tumagas na yung fluid. 2nd was a few blocks away from the house nasunog yung fuse. 3rd was ayaw na magstart, mahina na pala yung battery. 4th was biglang humihinto, yun pala nagbabara na yung daluyan ng fuel.

    Level of stress siguro 5/10, kasi expected na namin na may mga problems na meencounter. And for an ex-taxi Ok naman sya. Well maintained din kasi ng tatay ni misis, jeepney driver sya. Wala akong alam sa cars eh.

    Then we decided to get a new one, kasi tingin ko yung nagagastos namin sa maintenance is mahigit pa sa magiging interest kung kukuha kami ng bagong sasakyan na hulugan. So why not get a brand new one diba? I was thinking of keeping the car din, kasi first car ko yun, tsaka hindi ko ugali magbenta ng gamit kahit hindi ko na ginagamit, senti lang siguro ako. Pero my wife convinced me to sell it dun sa pinsan nya na bagong panganak din. I was initially selling it for 80k sa iba pero nakuha nya sa 60k, hulugan pa.

    So hayun, iba na ang may-ari sa kanya. Pero pansin ko lang, since na-acquire ng pinsan ni misis yung car namin, dumami eventually yung problems nya (madalas kasi dumaan sa bahay yun, kainuman ko pa yung mister). Iba din pala pag may alam sa maintenance (alaga kasi nung biyenan ko), kahit luma na yung kotse matino pa rin.

    Ngayun, wait ko naman ipost dito ni pinsan yung kotse na nabili nya sakin.

Page 4 of 8 FirstFirst 12345678 LastLast

Tags for this Thread

Kwentuhan: Storya/Problema mo sa 2nd hand car mo