Karapatan naman ng mga local car manufacturer yan isipin nyo na lang multi billion yung investment nila. Kelangan din nilang pangalagaan ang kanilang negosyo. Napakalaki pa ng tax na binabayaran nila. Ilagay nyo ang sarili nyo sa katayuan nila sigurado magrereklamo din kayo.
Paano pa natin maeengganyong magtayo ng planta ang mga ibang car manufacturer dito kung pinapabayaan ng gobyerno natin na makapasok ang mga imported na sasakyan. Kung dadami ang car manufacturer sigurado bababa din ang presyo mas marami ng makakabili ng mga brand new na sasakyan at hindi na 2nd hand na imported/converted.