New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 13 of 18 FirstFirst ... 391011121314151617 ... LastLast
Results 121 to 130 of 178
  1. Join Date
    May 2011
    Posts
    153
    #121
    Si Kuya, undecided sa China Cars.

    Quote Originally Posted by jrn29 View Post
    JMC YUSHENG

    ford engine - diesel
    mitsubishi engine - gas

    crdi engine 2.4 na kaya na type ko.. malaki siya parang montero .. ok na rin naman ang quality ng china cars
    may naka usap kasi ako agent ng jmc china cars sa visayaz na sinabi merun daw sila darating suv... search lang ako yan nga siguru yun .. kung sakaling merun mag lalabas ako niyan .. ok rin naman siya..masyado kasi mahal ang montero yan nalang siguru sakali partner naman nila ang ford.. kaya tiwala na rin ako
    Quote Originally Posted by jrn29 View Post
    buti na lang hindi nag katuloy kung hndi ma dissapoint din pala ako hehe
    sabi kasi nila isuzu engine "DAW" kaya mukang matibay to.. peru nabasa ko yung thread na to.. tlgang totou ang comments sa china cars
    Quote Originally Posted by jrn29 View Post
    tama si sir.. ganyan din sabi sa akin nun erpat ko sa foton..
    wala nga daw sa pangalan ng sasakyan.. kung pagulpi ka talaga gumamit kahit bmw pa siya.. masisira at masisira kahit brand new pa yan ,, kasi me kilala rin ako me foton blizzard 3 years na sakanila.. 100thou mahigit na nga millage.. araw araw ginagamit. peru hindi nman palaspag , ayun buhay nag hahatid pa rin ng serbisyo sakanilang bussiness

  2. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #122
    hahah bata pa kasi ako.. kaya kahit china car masaya na po ko

  3. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    6
    #123
    Sa friday, magte-test drive kami ng foton view. Magpopost na lang ako photos dito at additional comments ko after ko masubukan.

    So far ok first impression ko sa foton view compared sa isuzu ivan na natestdrive ko na.

    2 color ng foton view nakita ko sa showroom. Mas maganda para sakin yung silver kaysa sa white.

    Bilib din ako sa luwag ng legroom at headroom compared sa hi ace commuter at ivan. Pwede mo rin ma adjust some seats to move sideways para di masyado compressed at dikit sa katabi mo. May headrest lahat ng seats at pwede recline lahat. May screws mga seat at pwede mo daw baklasin kung gusto mo kargahan ng cargo yung likod for more space.

    May maliit na fire extinguisher din na free.

    So far, 2 pa lang negative napuna ko. Mahina fan ng aircon kahit nakatodo na lalo sa rear a/c. Yung sa harap na aircon, acceptable naman lakas ng hangin at lamig. Yung rear a/c medyo matagal bago mo maramdaman lamig. Sabi nila sanden daw aircon. Anyway, naka idle lang kami noong nagtest ng a/c. Di pwede umusad dahil nasa loob kami ng showroom. Mas tahimik din makina at lesser vibration nitong foton compared sa isuzu ivan.

    Isa pang nakita kong problem ay parang madali makalas certain parts ng van tulad ng rear vents ng aircon, headlight projector, at yung mga rubber na nakapaligid sa windows. Parang di sakto fit ng parts at parang dapat lagyan ng epoxy para di matanggal.

    Tinanong ko sales agent kung ano makina. Sabi nya isuzu technology daw. Ibig sabihin ba ay clone ng isuzu engine yun? All engine parts ba ay china at aasembled in china? Parang impression ko kasi ay humingi lang sila permission sa isuzu para gayahin o reverse engineer yung makina ng isuZu. Sabi din inter changeable daw parts ng makina sa orig isuzu parts in case may masira.

  4. Join Date
    May 2011
    Posts
    153
    #124
    Napansin ko din yan boss Ronronsantos, yung aircon vent nya, flimsy, madaling luluwag, so far ang ginawa ko nilagyan ko ng double adhesive sa loob ng vent para magkaroon ng tension at di basta basta bumababa. Also yung aircon ko parang ang tagal na lumamig, pero once lumamig eh ok naman (di ko lang alam kung dahil sa panahon kaya matagal lumamig).

    Also, try to observe the suspension system, balita ko medyo di maganda at matagtag sya. Another thing is it's braking power, medyo mahina daw.

  5. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    6
    #125
    Quote Originally Posted by Fotonista View Post

    Isasama ko buong barkada sa pagtest drive ko para malaman kung ok ride at suspension. Sana rin hwag umulan para masubok talaga lakas ng aircon na puno ng sakay sa tanghali.

    Parang kaunti foton owners na nagpopost dito. Sana dumami para madagdagan feedbacks. Nakakatakot kc magkamali sa pagbili ng vehicle. Meron ako bad aftersales experience sa honda. Sobrang dami naging problema ng mismong car at pati accesories na kinabit mismo sa casa at sobrang tagal bago maayos lahat. Dahilan sakin ng honda ay from japan at new model daw unit na nabili ko kaya di daw nila alam marami magkakaproblems. Pakiramdam ko di nila pinaghandaan at pinag aralan mabuti yung new units from japan bago nila binenta sa tao. Since nabili ko na unit at nabayaran ko ba accesories, di ko na pwede isauli.

    Naisip ko, kung nangyayari ang ganun sa well-established na car company, mas may tendency na mangyari sa new companies dito sa pinas. Kaya ko naman tanggapin na yung quality ng china made vehicles ay di katulad ng japan vehicles at maaaring masira anytime. Sana lang di totoo yung mga nabasa ko dito na ang tagal mag order ng parts from china kapag nasira.

    If ever decided na ako bumili foton view van, saan ba ok na after-sales service na casa nila at saan may pinakamagandang deal? 2 lang kc inaalok sakin option ng napuntahan ko na casa. Yung limited at yung basic. Di ko naman kailangan dvd, reverse camera, at rear park sensors nila. Mas mahal ng p150,000+ srp yung limited van nila conpared sa basic van tapos wala naman ibang additional feature kundi yung nabanggit ko.

    Gusto ko sanang package ay all-in sa basic na van nila (p888,000 srp) .

    *fotonista, Ganyan din ba Kinuha mo package sa kanila?

  6. Join Date
    May 2011
    Posts
    153
    #126
    Quote Originally Posted by Ronronsantos View Post

    Actually, what I got from them was the very basic package for the Blizzard 4x2 (srp 673,000.00). Their promo includes 3yr LTO reg, Comprehensive Insurance and Chattel. With the Blizzard's basic package, it has a 2DIN typical stereo (which I replaced immediately), a digital in/out temp sa rearview mirror (which I think is not that accurate), backing sensor (which is really a plus for me because of it's size, hirap mag tantya ng pag backup), the "auto close window" feature once you lock the doors (not really a "must" but it's a plus if you ask me).

    I got the Blizzard sa Munoz Casa and my Agent is Lhala. Service is being handled naman sa Balintawak Service Center (I believe this is their main branch). From the 1000Km PMS up to 20,000Km PMS sa kanila ko dinadala and all I can say is that the service and parts are "fairly priced", excellent based on their charge and staff are very friendly (from their mechanic up to the manager). They listen to what the customer wants and suggests, they provide options and they give discounts on parts. Backjobs (which I encountered twice, though not that major) are entertained quite good, just be sure to schedule ahead every time you will visit them.

    I haven't experienced going to CASA's of the big players (Japan Automobiles), our first car was the Korean Kia Pride GTX A/T, which was bought brand new way back 1999 (mahirap lang kami, di afford ang Japanese Cars ). We've exhausted the 100K/3yr warranty of the former vehicle and after visiting several branches, we felt that it's not practical to have the car serviced sa CASA because of the widely available parts. Though I still have a long way with the Foton (just had my 20K PMS), Parts and Service from CASA is still affordable (they gave me the cost of services up to 100K so I'll have an idea of the expenses) so I might stick to them (for now).

    With how the CAI (Chinese Automotive Industry) hitting the Country's market like storm, replacement parts would probably ramp up on our suking "auto supply" so probably by end of this year, we will not be tied up to the CASA in getting parts particularly the exterior (headlights, tail lights, etc.). Engine internals, suspension and the likes are already available naman at least for the Foton (due to it's "Isuzu technology"), ewan ko lang sa competitors (Great Wall, JMC, etc.) because I haven't really had the chance to look into them.

  7. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #127
    Quote Originally Posted by Fotonista View Post
    Si Kuya, undecided sa China Cars.
    undecided talaga. mura kasi eh :hysterical::bleh:
    ito nga JMC 2 years ko ng hinihintay. sana nga dumating na this year or next year

  8. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    806
    #128
    Quote Originally Posted by jrn29 View Post
    undecided talaga. mura kasi eh :hysterical::bleh:
    ito nga JMC 2 years ko ng hinihintay. sana nga dumating na this year or next year

    JMC ano to? Ito ba yun Landwind?

    ...

  9. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #129
    Quote Originally Posted by cktlcmd View Post
    JMC ano to? Ito ba yun Landwind?

    ...
    alam ko landwind din. peru parang iba naman kasi yung landwind para isuzu wizard lang compare naman dito ambulto na suv
    peru iisa ata jmc at lanwind

  10. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    1
    #130
    Mga Little Boys. Please naman. Wag na tayo munang bumili ng chinese products. Lalo na chinese cars. Whenever I go to the grocery, I tell my children to buy anything except made in China. Lets help also our country nang maramdaman ng mga intsik na yan na binoboycot natin sila....

Page 13 of 18 FirstFirst ... 391011121314151617 ... LastLast

Tags for this Thread

disappointed by Foton