Nowadays, parents have to build a large garage to accommodate their kids'vehicles...
I did... call it planning ahead but parking in the street is a no no for me. One of my neighbors was ribbing me about this. Just smiled it off.
18.0K:sailor:
Nowadays, parents have to build a large garage to accommodate their kids'vehicles...
I did... call it planning ahead but parking in the street is a no no for me. One of my neighbors was ribbing me about this. Just smiled it off.
18.0K:sailor:
Last edited by CVT; February 2nd, 2013 at 10:37 AM.
eh kung babae anak nyo. at 21, newly grad w/ work, single, payag ba kayo hiwalay ka'gad sa inyo?
ako nung nagtrabaho na ako binibigay ko ng buo sweldo ko sa nanay ko minus my expenses. when i started working overseas sa parents ko din remittance ko, i never asked them to save. basta bilin ko sa kanila mag-enjoy lang sila, iwanan lang ako ng pambili ng beer saka pang-good time hehehe. i only left home when i went to the US for 3 years and even during that time nagpapadala pa din ako ng allowance nila. then nung nagsawa ako sa buhay sa US bumalik din ako sa bahay ng parents ko. then i built them a new house. nung nagasawa na ako i left home on the day my wife and i got a civil wedding. hinayaan ko wife and mom ko to plan the church wedding, trip ni ermats na makialam sa kasal sa simbahan, dun siya masaya e di sige lang kung saan siya masaya. and even after i got married tuloy allowance nila. nung nagkasakit erpats ko sagot ko lahat ng gastos, although may pera naman siya.
di naman masama matira sa bahay ng parents mo kahit may work ka na, basta makihati ka sa gastos sa bahay. at yun din ang chance mo na makasukli ng utang na loob sa kanila di ba.
saka freedom ba ang problema? lalaki ka di ba, di ka ba hinayaan ng parents mo magpatubo ng sariling sungay? e nung nag-college ako sabi lang ng erpats ko sa akin "wag ka magpahaba ng buntot na di mo kayang hilahin". umuuwi ako ng bahay umaga na, wala akong sermon na narinig kahit minsan. basta ok lang ang grades no problem. bilin pa nga ng nanay ko mas mabuti daw matulog sa bahay ng barkada kesa magpasuray-suray sa paguwi sa kalsada.
yung sister ko baliktad. abutin lang ng 9pm salubong na kilay ng nanay at tatay ko nakadungaw sa bintana.
I didn't know na yung living arrangement signifies independence na sa work? Marami naman na may sariling condo pero paid for by the parents or did you mean the training of living independently helped you become a better employee?
Do you have a good relationship with your Dad ba? Autocratic style ba siya?
Dad ko ayaw ng magaaral kami malayo sa bahay kasi pag nag dorm masyado nagiging independent ng maaga. It's good training for others pero may iba naman nagiging maloko.
Kaya pala gusto mo ng "freedom" kasi puro kalokohan ginagawa mo ORGY? DRUGS?
This is so true. I try my best not to do anything that will cause problems or give heartache to my parents. I hope when I have children din they will do the same for me.
Sa babae na mga anak, I think mas hesitant ang parents na she will live in a seperate house. Lalo na if she's still single, and is the only girl among her siblings. Case in point, my sister was in the same position before as Cathy .. until she got married and moved abroad.
For the guys naman, its fair game. After I graduated college, my dad asked me. Oh? Where do you wanna go and what do you wanna do? ..
Wala naman problema mag stay ka after maka grad and nagtatrabaho ka na.
4years akong nag local work muna nag overseas at that time mga one year siguro akong di nagbibgay sa parents "for the boys" ika nga. pero ako na rin ang nahiya at at kusa na akong nagaabot kahit di nila sabihin na magbigay ako. Nung nag overseas na ako, yung napuntahan ko 100% remittance so wala ka talagang mahahawakan sa sahod mo, tulad ni yebo basta titirhan lang ako pang happy happy pag uwi ok na sa akin. Nung nag asawa na lang ako umalis dahil kabilin bilinan nang tatay ko. Once na mag asawa na kami maghanap na kami nang sariling bahay dahil mahirap bumuo nang sariling pamilya pag magkasama ang biyenan at manugang
Last edited by chrismarte; February 2nd, 2013 at 05:14 PM.
^Ganyan din rule ng parents ko, kailangan humiwalay pag nag asawa na. Kaya nga may thread na "dealing with in laws"
When the parents are really really old, they could stay with their children again na.
Yan din ang turo ng Parents ko. Kabaliktaran naman sa Misis ko. Ayaw pakawalan ang mga Anak. Hirap tuloy.
---
Para sa akin walang Problema sa pagtira sa bahay ng Parents mo as long as responsable ka at alam mong ilugar ang sarili mo. Hindi yung tipong ikaw na nga ang nakikitira eh ikaw pa ang may ganang umasta na mas mataas ka pa sa mga magulang mo. Buwenas mga taong ganun.