^
grabe, nabali na malamang ang buto ng bata.![]()
![]()
sorry ngayon ko lang nabasa. nakaka-init ng ulo yung ganiyan! habang binabasa ko to gusto kong pingutin yung ama at anak.
gago rin yun guro no? kaya lumalaking walang hiya at modo mga bata ngayon dahil kasalanan ng matatanda!
at sa obserbasyon ko, bata ang kumkontrol sa mga magulang ngayon.
pag may gusto ang bata, bili.
pag naglulupasay ang bata, susuyuin!
di puwede sakin yan! sinturon ang abot kahit saang lugar o okasyon!
Punishment does not equate to discipline.. Parents should be a good example. How can you teach a child not to hit others if the parents hit them.
Sent from my iPhone using Tapatalk
for me .. i just talk to my kids in a nice way and giving some good examples, just like what happened last time
mom: itong anak mo nagsinungaling, di pala napulot ung relo, binili pa nya
me: (may hint na ako na binili nya un, kahit hindi sinasabi sa akin). di ba alam mo naman di maganda magsinungaling, patingin nga ulit ng relo mo, maganda naman pala eh.. ito ba ung ipon mo, magkano bili mo?
kid: 300 po, sa may bayan
me: oh tignan mo na ginulat mo si mama at papa kasi hindi ka nagpapabili kung hindi nag iipon ka para mabili mo gusto mo, nattuuwa nga si papa at mama kasi ikaw nagkukusang mag ipon para mabili mo gusto mo.. di tulad ng ibang bata dyan na laging humihingi sa magulang nila
me: maganda rin siguro pag bibili ka pde mo sabihin sa amin na gusto mo bumili tapos samahan ka namin
me: tapos ngayon nagsabi ka ng totoo.. di ba proud pa rin si mama at papa kahit alam mong mali nagsabi ka pa rin ng totoo
kid: di na po mauulit
me: amoy pawis ka ang baho mo maligo ka nga don.. with a smile on my face .. para mawala ung takot nya
the best is tell to your kid that this things is not good at all.. walang maidudulot for me I always set example or do some stories
sa pagpapalo naman.. sometimes di rin mapigilan, but after that I always explain to my kid the bad things that they did and embrace them afterwards..
cant recall when was the last time na pinalo ko sila.. tagal na
my wife always tell me this.. our hand is used to embrace our kids not hit them
Last edited by jansky; September 2nd, 2013 at 02:05 PM.
Tama... May certain age din dapat na talagang titigil ka sa pagpalo... Embrace and say you love them so much kaya ayaw mo silang mapasama.
At dapat pagnanagalit ang ama hindi dapat sumusaway ang nanay vice versa... dahil nagkakaroon nang masamang epekto eto sa bata. May good cop bad cop.
If si daddy ang namalo, hinde sya ang mageexplain.. Si mommy dapat..
Pero palo as a form of discipline is a primitive belief that is just carried over from generation to generation.. According to studies, ang parent na namamalo eh pinalaki lang din sa palo.. He/she views it as the right thing to do.. It can be constructive but it could also be destructive..
Sent from my iPhone using Tapatalk
Tama ka it can be destructive pagsobra at nakakasakit na. Basta palo ka na lang nang palo... tandaan ang pagpalo ay may tamang lugar lamang at kontrolado dapat.
Hindi ako sang-ayon sa pagdaddy ang namalo mommy dapat ang mag explain... hindi ba mas maganda ang nakasakit ang mag explain then maexpress nya ang pagmamahal nya after wards para hindi maghinanakit sa kanya.
di ako mamamalo ng walang rason. at di ako mamalo hanggat walang dahilan.
may panahon na di na nakikinig yung bata. may pagkakataon gusto nila na sila ang dapat masunod.yung mga pamangkin ko nakatikim ng palo sakin, pag ako nagsalita, makikinig sila. pag yung mga magulang nila ang nagsilita kahit magsisisigaw na, daig pa ang bingi.
paano na? kahit anong paki-usap, wala!
hindi ko gawi ang mamalo. tulad niyo, may kalakip na pag papaintindi at pag papaunawa yan.
ang nakakagalit kung naging alituntunin na ng sistema ang pamamalo.
anak ng pinsan ko, binangas ng asero yung pagmumukha niya 1st year high school palang yun. puro pakiusap lang gawa sa kupal na yun, di nakatikim ng palo. ngayon, sila takot sa kupal na anak nila. tuwing umaga sinisigawan yung nanay niya.
kaniya kaniyang sistema, idelohiya at pamantasang moral yan sa pagpapalaki ng ating mga anak.
lahat naman tayo gustong lumaki ng matiwasay ang mga yan.
masuwerte kayo kung ang mga supling niyo madaling umintindi.
sa lugar ko,
kakaiba ang mga magulang. pinalaki ang mga bata sa "hayaan mo, bata pa naman yan". kaya
ang salitang PUTANGINAMO ata ang mga unang katagang binibigkas ng mga isang taong bata, naririnig na nila, wala lang.
hindi yan sa puder o pamamahay ko. sa labas yan ng aking bakuran.
kailangan ko na rin humingi tips niyo soon on raising children. i want to be a good parent.![]()