di ako mamamalo ng walang rason. at di ako mamalo hanggat walang dahilan.
may panahon na di na nakikinig yung bata. may pagkakataon gusto nila na sila ang dapat masunod.yung mga pamangkin ko nakatikim ng palo sakin, pag ako nagsalita, makikinig sila. pag yung mga magulang nila ang nagsilita kahit magsisisigaw na, daig pa ang bingi.
paano na? kahit anong paki-usap, wala!
hindi ko gawi ang mamalo. tulad niyo, may kalakip na pag papaintindi at pag papaunawa yan.
ang nakakagalit kung naging alituntunin na ng sistema ang pamamalo.
anak ng pinsan ko, binangas ng asero yung pagmumukha niya 1st year high school palang yun. puro pakiusap lang gawa sa kupal na yun, di nakatikim ng palo. ngayon, sila takot sa kupal na anak nila. tuwing umaga sinisigawan yung nanay niya.
kaniya kaniyang sistema, idelohiya at pamantasang moral yan sa pagpapalaki ng ating mga anak.
lahat naman tayo gustong lumaki ng matiwasay ang mga yan.
masuwerte kayo kung ang mga supling niyo madaling umintindi.
sa lugar ko,
kakaiba ang mga magulang. pinalaki ang mga bata sa "hayaan mo, bata pa naman yan". kaya
ang salitang PUTANGINAMO ata ang mga unang katagang binibigkas ng mga isang taong bata, naririnig na nila, wala lang.
hindi yan sa puder o pamamahay ko. sa labas yan ng aking bakuran.