Need help po. I have a noisy 2E engine. Madaming mechanic na po tumingin and most of them told me na either valve adjustment lang or pedeng need na top-overhaul. Di na kc ako mapakali sa tunog ng sasakyan. Bukod sa sobrang ingay.. nakakaawa pakinggan ung makina na parang unti-unting nasisira. So pina-adjust ko ung valve clearance. Twice sa magkaibang mechanic pero ganun pa din ung ingay. Ung una.. baka daw need na palitan ung camshaft ko kc may konting tama na ung mga lobe. Ung pangalawa naman.. baka daw piston/ring na daw kaya need na daw dukutin.

Kaya ako na nag-adjust. Bumili ako ng feeler guage sa ACE hardware. Ilang beses ako nag-check ng clearance. Before and after adjusting while engine is hot and cold kaya nakuha ko ung increase ng clearance from cold to hot. To make the story short, napatahimik ko ung makina. :barmy: May konting "tikitik" pa din pero madi-differentiate mo talaga ung malaking ingay na nabawas.

Ung slight noise medyo ok na sa akin. Problem ko naman now, naging rough ung idle ko and minsan namamatay while driving. Usually pag malamig pa ung engine and while breaking or stopping.

Questions po..

1. Possible po ba na ung cause ng rough idle ay ung cylinder head cover gasket lang? Di kc ako nagpalit saka di ko din muna nilagyan ng silicone.

2. Nasobrahan kaya ung adjust ko? At engine cold.. 0.004" kc ginawa ko. At 0.005" kc malakas pa din ung noise. First adjustment ko kc 0.006" during cold tapos warmup ko ung engine to normal operating temperature then check agad ng clearance.. lumuwag sya up to 0.009". Kaya ginawa ko 0.004 ung last adjustment ko.

3. May kinalaman kaya ung konting pudpod sa mga lobe ng camshaft ko?

4. Ipa top overhaul ko na kaya? :headache:

Another problem kc pag-ipapagawa ko.. wala akong kilalang trusted mechanic. I hope someone can help me please. TIA! Sorry for the long post.


Sincerely,
Arey