Ang madalas na dumayo rin sa kanya galing pa ng manila/north/south at kung saan saan pa yung nalalakasan sa konsumo ng gas tsaka yung nahihinaan sa hatak o power ng makina. Napakagaling kasi mag tono ng makina, lahat ng aspeto ginagawa, perfect A/F Mixture-adjustment sa kuryente-distributor,contact point, valve clearance, gapping, basta lahat tinotono nya kaya siguradong gaganda hatak at titipid ka sa gas.
Executive Tuneup talaga!
At higit sa lahat, mura maninggil! Imagine P450 lang, ang ginawa Kinalas buong carb hanggang huling clip at pyesa, lininis, sinundot mga bara, chek kung lahat working fine etc, binuksan distributor, pati kung ano ano pa sa kuryente, meron pang inadjust na dapat daw 16mm lang para pagbuka 18mm di daw kapusin bigay ng kuryente sa arangkada, basta wholistic tuning talaga!
Pag testing namin wow parang nawala yung hika ng oto. From cavite to manila laki ng tinipid ko sa gas kaunti yung binaba ng needle ramdam mo talaga!
Magaling nga yan si Mang Ben, alamat na sya sa Cavite pag dating sa Carb Type. Tanungin ka lang ng sintomas na nararamdaman mo sa oto mo, alam na nya mga possible salarin. More than 50yrs na sya mekaniko, chief mechanic, volkswagen beetle days pa pati nung peace time mekaniko na sya.
May mga mekaniko sya sa shop, pero sya mismo tumitingin, nag susupervise, puro sunod lang ginagawa nung mga bata nya sya pa din tumitingin mismo sa oto. Ultimo kaliit-liitan na pyesa ng carburador, distributor, etc alam nya kung alin dun ang cause base sa sintomas na sabihin mo. Minsan kalas buong carb to the last clip at pyesa, o kaya buong distributor atbp. ayun kita nya kung ano kulang o sira, kaya pala walang hatak, kaya pala malakas sa gas. syempre pati valve clearance at timing. Chinechek din nya vacuum advancer etc. Hanggang sa kaliit-liitang detalye ng makina. Yung mga nagpunta sa kanya na 10beses na pabalik balik sa ibat ibang mekaniko, alam nya agad kung ano mga suspek at ayun tuwang tuwa yung customer nasolve ang problema. Pati suspension, clutch, overhaul, change engine, lahat ginagawa sa shop nya. Pag nakita nyo at naka-kwentuhan malalaman nyo talagang isa ngang alamat. Makulit pa at kwela kausap. Hehehe.
Naging chief mechanic pa sya sa taxi company nung kabataan nya, 300+ daw na taxi, nako sakit nga raw sa ulo. Galing na din sya ng toyota at mutsubishi. Basta carb type siguradong nakangiti kang uuwi.
How to get there:
Courtesy of sir Radical Duke.
Pag pasok mo sa Salitran mga 500 meters sa kanan may makikita kang gasoline station lagpasan mo lang ng konti pa mga 20 meters makikita mo yung MANG BEN na sign board.yung shop niya medyo naka elevate sa kalsada. Siguradong andun sya palagi, kung sakaling wala madali tawagin dahil dun nakatira sa shop yun isa nya anak.