Lancie, medyo matagal na itong thread mo pero may di pa nasasagot na tanong. Tungkol dun sa tanong mo:

May tinatawag na "Vapor lock" kapag naka carburador especially kapag luma na ang parts at nagleleak na ang fuel system nito.

Ang nangyayari dahil mainit na ang makina mo naiinitan din ang carb at ang fuel na nasa loob nagiging vapor or gas, imbes na liquid na gasolina. So napuputol yung flow ng gasoline papuntang makina at parang nabibilaukan siya o minsan di na mag iistart. Kung baga natutuyo ang fuel line sa loob at nag-lock na ang makina dahil hindi makatuloy yung gasolina sa dapat niyang puntahan, in this case yung combustion chamber. Try mong kunin sa wikipedia para mas malinaw ang explanation.

Icheck mo rin lahat ng hose mo pati yung thermostat baka di pa tinataggal. parang chupon yun ng bata na bumabara kapag kinalawang. Di na kailangan dito sa pinas yung ganun. Tanggalin mo na lang. Maraming mekaniko sa Banawe ang marunong sa ganiyan, pero mairerekomenda ko sayo ang BBW. Ang tindahan nila may nakasabit ng malaking susi na may sabing Key Duplicate.

Tsaka palinis mo na rin yang aircon mo para malamig.

Interesado ako sa mga lumang sasakyan kasi masarap mag drive ng lumang sasakyan basta inaalagaan mo. Alagaan mo yan.

Sana nasagot ko ang tanong mo.
Good luck!