nagkaproblema din ako sa E10 na yan. dati unleaded lang kinakarga tapos nung medyo paubos na gas ko i dont have a choice kundi mag pa refill sa malapit na gas station which is they sell gas na may E10 na. then after a day nag iba na andar ng sasakyan ko biglang ang sama ng usok tapos nanginginig ang makina tapos tinitirik ako sa daan. bagong linis pa naman yung carburator ko pati yung fuel tank ko. hayzzz hirap talaga gamitin ang E10 sa mga carb engine based on my experience.