Hi guys, sorry medyo naging busy kaya ngayon lang ulit nagkaroon ng time mag-update. So far ok naman na after the shifter cable incident (never happened again). Reklamo ko nalang ngayon is fuel economy. Best ko in city driving is 7KM/L, average is around 6.5. Worst ko is lately at 5.5. Umiinit kasi sa Baguio ngayon kaya medyo aircon almost all the time.
Also, yung langitngit seems to have been addressed on the last PMS.
Slapz - kumusta PMS schedules mo? Ako medyo mabilis (every 3 months, sooner than the one in the manual). I bought the car in December, 1st PMS (spent around 2K) around Feb. 2nd PMS (spent around 3.5K) was April 30, next PMS in June. Right now, mag 5K palang odo ko. According to the Service Advisor, inaalagan daw kasi ang name kasi new brand or something pero medyo magastos lang.
Only outstanding issues:
1. Yung fog lamp may moist. Sabi ng casa papalitan daw so we'll wait for parts.
2. May kalawang yung holder ng radiator ata yun ung parang grills sa harap.
Sa mga taga dealership pala, magkakaroon kaya ng M3 na matic or talagang manual lang ang ilalabas sa Philippine market?
Hi Sir Lexiconmaster,
Sorry mejo mabagal po net namen kaya hindi ako makapag backread talaga bawat pages ng thread na to pero need ko pong malaman yung details nyo po para kahit papano maitanong ko po sa Haima Philippines yang concern nyo. Gusto din po kase nameng maayos yang concern nyo at para mapaayos services namen as well as narin sa mga units bago po nila ibigay sa mga dealerships namen.
Need ko po makuha details ng Haima nyo and will try to forward your concern and will wait for their reply and from my end, will update you po.
Pasensya napo bago palang kame sa Haima pero I think being part of the company, lahat ng clients po namen kahit sa ibang dealership ng Haima nakuha deserves our services.
Let me know po kung pano kame makakatulong sa inyo.
Thank you po.
Andrew
Haima Cars San Fernando
Huh?! Every 3 months?! Parang wala naman nakalagay na ganun sa manual. Every 5k lang ako. Alam ko last ko is February pa ata. Malamang next month 22.5k na ako.
Ako, still averaging 8 km/l, pero di ganun kasi katraffic yung route ko.
------------------
I am the highway...
wow, ang taas na pala. ano ba dapat kasama for the 22.5k PMS?
------------------
I am the highway...
Hmm.. Ginawa naman na nila ito last time, I believe noong 12,500KMs. The cost was just around 6K. Ang kaibahan lang is wala yung sa AC System. Don't tell me that will cost me 6K?!
I will check my records nga, kung ano ginawa nila nung 12,500KMs.
Last edited by slapz; May 22nd, 2014 at 11:09 PM.
Ehehe! Anyway, I will ask a quote na nga muna. Pero mahal talaga kapag Laus Group. ehehe! Anyway, till 32.5K KMs lang naman ako sa kanila siguro. Alam kaya ng iba imaintain ang Haima? Sabagay, may manual naman.
Yung nadagdag sa 12.5K PMS mo sir, heto po:
- Change Fuel Filter
- Change Air Filter
- Coolant
- Brake Fluid
- AC General Service
- Wheel Alignment
plus pa yung dating ginawa nung last 12.5K PMS mo. Kaya ganun inabot Sir.
Paconfirm nalang po bago nyo paumpisahan yung trabaho. Ininform ko lang po kayo sa gagawin ng next PMS nyo para atleast po aware kayo. Not actually to make you worry o ano Sir.
Actually, start palang kame ng operations namen dito sa San Fernando and that gave me an idea rin na ilatag sa client mga gagastusin sa mga PMS nila para lang maging aware sila.
Nung sa Subaru kase kame kadalasan mga naitatanong yung gagastusin sa first 1.6K and 10K na PMS.
HTH.
Thank you.
Got the quotation already. Around P13K, pero malamang bababa pa. Pero makapagcontemplate nga, at magtanong tanong ako sa labas, at ng malaman ko lang ang price difference.
Kakatakot yung price na 816 and 800 sa wheel balancing and alignment.
4L SS oil 1,880; 4L Gear Oil 1,200
Ngayon ko lang napansin, iba iba ang prices ng parts. Hmm..
Pag sa labas na ako, I can buy my own parts pa.
Makadaan nga sa MoTech minsan.
Last edited by slapz; May 23rd, 2014 at 09:15 PM.
Sana this may help you guys,just wanna share it.....almost 3years na under ako sa parts department ng Forland(Brother ng Foton). May napasin ako sa china auto...some parts are same lang sa japan cars. if need niyo parts service in rush pwede sa R. papa LRT station. meron dun magaling sa service ng china auto. yun lang....hehehe...![]()