Nagasgasan yung Cruze ko kanina paakyat sa spiral ng The Link sa Anson's Makati, doon sa tabi ng teller na sobrang kitid ng daan. Tiningnan ko at kita yung white color na paint at dented, kulay yellow yung tire ko dahil nakuha yung color ng curb.
Dinala ko agad kanina sa Chevy Pasig at ang estimate ay 4.5k pag personal kong ipa-repair at 4k participation naman daw pag insurance pinadaan. Ang pinili ko na lang ay yung personal para diretso na ang repair. Buti at nandoon si sir awallit at napababa ng 3k na lang ang price. Sabi ng service ay balikan ko ng Friday ng hapon pero sabi ni sir awallit ipapa-rush daw niya para tomorrow ay matapos na agad bukas or Thursday
(hoping for this).
Nataranta kasi ako sa nasa likod kong Strada dahil busina nang busina at on/off pa ang headlight, tapos di na binitawan ang busina kaya nagmadali tuloy ako.
Lesson learned - di ko na sila iintindihin basta ligtas na makadaan yung sa akin.
