naka-off lang ang g-sensor ko. sensitive masyado ang mga g-sensors kahit set mo sya at minimum, baka matambakan lang ang sd card mo ng protected files na hindi naman kinakailangan. 1080p kasi ang settings ko kaya malakas kumain ng memory. emergency record na lang. though accurate naman ang speed limit sensor, lane departure warning niyan. naka-set din yung frontal collision warning ko pero hindi ko pa sya nadinig na nag-warning. nasa 90kph yata kasi ang settings ko doon at wala pa naman akong na-experience na mabulaga sa distance during high way runs mula nung na-installed ko sya.
parking mode? hindi ko pa nasubukan, naka-off lang ako. activated kasi sya thru motion sensor, gagamitin ko na lang sya kapag alanganin yung lugar na paparadahan ko.