New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 8 of 11 FirstFirst ... 4567891011 LastLast
Results 71 to 80 of 106
  1. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #71
    OT:

    Noob questions lang.

    So pwede pala na binangga ako, wala ako comprehensive pero yun bumangga sakin meron.

    at fault yun bumangga sakin, Insurance niya magpapagawa ng oto ko?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #72
    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    OT:

    Noob questions lang.

    So pwede pala na binangga ako, wala ako comprehensive pero yun bumangga sakin meron.

    at fault yun bumangga sakin, Insurance niya magpapagawa ng oto ko?
    technically ganun... pag na prove na sya ang may kasalanan.

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,731
    #73
    Quote Originally Posted by wezz_zzew View Post
    na encounter ko na ung ganitong situation. Ako ung ALTERA tapos kalaban ko ung MAZDA. Ganyan na ganyan itsura nung mga pics namin. Sa amin naman, nakahinto ako tapos biglang nag change ng lane ung isang car. Ayun! nasagi nya bumper ko hanggang nahulog. Nung lumabas na kami ng kotse, nag sketch ung enforcer tapos pinapirma kami. While talking about the damages, napansin ko lumilipat ung passenger sa driver side pero di ko un pinansin kc wala ako idea sa plano nila. On our way to Traffic Office, dun sumakay ung enforcer sa kabilang kotse. Anak ng teteng, pagdating namin sa Traffic Bureau, ung sinubmit na sketch, wala na ung pirma namin. When the investigation started, dun nabuking na ung nagddrive is only holding a STUDENT PERMIT. They keep on saying na ung isa ang nagddrive. I tried to secure the confirmation of the enforcer na talaga namang ung naka Student Permit ang driver during the incident pero ang sabi nya di nya daw cgurado. Eh craulo pala cia eh! nung nagbabaan kami para tignan ung damage, kaming dalawa ang kausap nya. Cguro kinausap nila ung enforcer tapos binigyan para bumaliktad. Fortunately, I have some background with law (law student ako), Instead of arguing with them, i decided to push the case. Nung nandun na kami sa fiscal's office, may kasama pang abogado ang mga loko, ako wala na kasi simple lang naman gagawin dun at marunong naman ako mag draft ng affidavits. Second appearance namin, meron pa ding kasamang abogado at eto pa, may backer na taga Mayor's Office. Natawa na lang ako kc ang claim ko lang naman for the damages is Php 7,500.00. Natakot siguro ung mga un sa mga complication nung pagsisinungaling nila kc isinama ko sa affidavits ko na just in case mapatunayan na hindi totoo ung SINUMPAAN nila sa Traffic Bureau, sasamahan ko ng PERJURY ung kaso. Unfortunately for both of us, inabot ng 2 years bago lumabas ung resolution, in favor sa akin ang the court is asking them to settle the damages. Etong STUDENT PERMIT na driver (Doctor pa sya), ayaw pumayag, kasi feeling nya nagmukha silang tanga dahil nga sa mga pinag-gagawa nila (Bribery, Lawyer, Backer + Time spent sa court). Nung nandun na sa reconciliation, pilit kinakausap nung asawa nya ung driver para matapos na. Ayun, nagkasundo kami na sila magpapagawa ng damage sa auto ko. Biruin mo, 2 years bago napagawa ung damages. Pero mas napaganda na din kasi ung mga ibang dents mula fender hanggang bumper na di naman part ng accident eh nadamay na din sa paint job.

    Nga pala, pregnant wife ko during the accident for our first baby. Maybe one of the reason kaya naniwala ung fiscal na hindi talaga namin kasalanan kasi syempre, walang reason para magdrive ako ng wala sa ayos. One more thing, base sa affidavits ko, walang nakakaalam na STUDENT PERMIT lang ang hawak nung driver, he is already on his late 40's kaya imposibleng mahulaan ko lang na wala syang professional license.

    MORAL LESSON: Dapat lagi ka nasa right lane para mas malakas ang case mo versus kalaban.

    On this issue, masasabi ko na meron ding fault ung asawa mo, pero we can never tell unless aamin ung isang driver na nakapasok ka na tapos umabante pa cia.

    "SPOILED" ^_^
    i am wondering why they had to exchange places... just because all the driver had was a student permit.. it does not follow that the student driver is always the one at fault, does it? curious..

  4. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    1,136
    #74
    Cguro naisip nila wala silang laban dahil student permit lang un gamit nung driver. Student = Bagito. Hindi nila naisip na mas lalong nagkaroon ng complication ung pag-sisinungaling nila. Fortunately for me, malakas ang loob ko na kalabanin cla tho' alam ko na mejo dehado ako dahil sa status nila. FYI, ako nag file ng kaso sa kanila dahil ayaw nilang makipag-settle out of court. Kung alam mo na tama ka, ipaglaban mo. Kung alam mo na mali ka, ibaba mo ang pride mo.

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    1,324
    #75
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    i am wondering why they had to exchange places... just because all the driver had was a student permit.. it does not follow that the student driver is always the one at fault, does it? curious..
    They did that for purposes of fraud, yon lang. Some people are just like that by nature.
    A Student Permit states just that, learning and not qualified yet to drive unsupervised on the road.
    Last edited by mark_t; May 8th, 2013 at 11:29 PM.

  6. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    1,324
    #76
    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post

    Pag tinawagan ka ni alterra driver dun mo na lang kausapin since willing ka naman sagutin participation niya.

    .
    Kung willing ka magbayad ng participation sa policy na hindi naman sa iyo, eh grounds yan for denial of claim. Just saying.

  7. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    250
    #77
    ^ puwede naman basta Meron agreement yun both parties.

  8. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #78
    Quote Originally Posted by mark_t View Post
    Kung willing ka magbayad ng participation sa policy na hindi naman sa iyo, eh grounds yan for denial of claim. Just saying.

    Kindly elaborate bro, hindi ko ma-gets (sorry)?
    (nung nabangga kasi ako sa likod, ang nagbayad ng participation ko yung nakabangga plus yung cam na nasira.)

    Thanks.

  9. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #79
    nabanga ako last year ng jeep, since TPL ung jeep at ako naka comprehensive, ang ginamit namin insurance ko.

    ang agreement namin nung operator ng jeep sha ang magbayad ng participation at ung other charges sa mga replacement parts.

    tinanong ko sa insurance ko kung pwede ung ganun, sabi ok lang basta wala akong pinirmahan kunin ko lang ung pera.

  10. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    36
    #80
    UPDATES:

    ilang beses ko kinontact thru text yung nakabangga sa kotse namin. ayaw ibigay yung insurer nila. sabi antayin ko nalang daw yung letter nila.

    we expected na sila magpapaayos ng sasakyan namin. then nung hindi dumating yung letter, we decided na wag na ipursue and just let karma do it thing.

    hindi ko na din naasikaso dahil na assign ako offshore. hindi na ako nakapag file ng case dahil madalian yung alis ko.

    now, after few months, i got a letter from their insurer to pay them 9k+.

    kami pa ang magbabayad na binangga nila?! kapal din ng mukha ng mga ito.

    ano ba dapat gawin?

    Thanks


Page 8 of 11 FirstFirst ... 4567891011 LastLast

Tags for this Thread

Nabangga kotse ni misis