New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 20 of 106

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    36
    #1
    guys baka may mairecommend kayong abogado? nabunggo kasi yung kotse ng wife ko knina. just got back from Malugay LTO. ganun ba talaga wala gagawin yung police na mag-a-assist? wala man lang kasi ginawa yung pulis eh. mukhang natameme after may tumawag sa kanya. feeling namin malakas connection nung other party.

    anyway, ito nangyari. around 8pm earlier tumawag wife ko sa akin informing me na involved sya sa accident. nabangga daw sya ng isang Isuzu Alterra while switching lane sa Buendia dahil pa-right sya sa Paseo papunta ng Jupiter. Galing sya ng The Fort. Malapit nalang sya sa amin so pinuntahan ko. pagdating ko sa scene, exacto papunta na sila sa presinto.

    pagdating sa precint, tahimik lang kami. then tinanong ko yung driver nung alterra, a lady, kung ano gusto mangyari. antayin nalang daw namin yung verdict. may kasama syang 2 ladies din. Parehas na mabunganga. Yung isa kinuha yung # ng precint tapos may tinawagan at sinabi sa isang pulis na may tatawag daw in awhile.

    at first nag-i-investigate pa yung police then may lumapit sa kanyang isang pulis pa na nagtatanong kung sino yung may kaso ng Isuzu Alterra. after nun bigla natameme na yung nag-a-assist sa aming pulis. palihim sila nag uusap. tapos mapapansin mong parang he's implying na yung wife ko na ang may kasalanan. nung kinuhanan ng picture yung mga sasakyan, maliit daw damage nung kotse namin at malaki damage nung alterra. pero he's insisting he was not taking sides that he's just checking the damage.

    pagbalik sa room, nagbubunganga na naman yung 2 kasama nung lady driver. Pero yung driver tahimik lang. nung pinatitigil ko yung isa, ako naman binungangaan so sinabi ko para naman syang walang pinag aralan. tuloy parin. so tinanong ko yung lady driver kung ano ba gusto nya at sya mag decide. sabi ko ok lang naman sa amin kung insurance nila bahala or kung pwede mapag usapan. wala naman problem sa amin. pero sabi ituloy daw sa korte.

    ito reasoning nila:
    - sila daw ang nasa right of way. kaya automatic yung wife ko may kasalanan. Sabi ko naka-stop silang lahat dahil red ang traffic light. malaki ang space between yung alterra at yung nasa harap nya kaya nag-signal yung wife ko to switch lane. hindi naman sila moving na bigla nalang sya nag-swerve to the other lane. (based on wifeys story)

    - magkatapat daw sila then bigla nag swerve yung wife ko to the right kaya nya nabangga yung alterra. sabi ko kung magkatapat sila bakit sa may pinto hanggang sa front fender yung gasgas ng mazda. kita sa picture na nung nagkabanggaan sila, nasa front fender yung nguso ng alterra. dapat nasa may pinto kung yung kotse ang gumitgit sa alterra. at bakit halos naka patong na yung gulong ng alterra sa gulong ng kotse. inararo eh. dapat sa parehas nilang tip ng kotse nagkabanggan kung magkatabi sila

    - may dent daw sa ilalim ng bumper nung alterra kaya ibig sabihin yung wife ko ang bumangga sa kanila. sabi ko kaya may dent sa ilalim kasi inararo nung alterra yung mazda. kita sa picture naka angat yung alterra

    - kung sila daw ang bumangga dapat may dent sa harap nila. pinakita ko yung dent sa harap ng bumper nila. sila parin daw tama

    - kung sila daw bumangga dapat sa may pinto daw yung gasgas ng kotse. sabi ko pwede natin puntahan yung kotse. at kung nasa pinto yung gasgas hanggang fender, aamin ba silang mali sila at sila magpapaayos? hindi parin daw. inatras daw kasi ng wife ko yung kotse kaya nagkaroon ng gasgas sa front door. dun ako napamura sa inis. saka paano makakaatras yung kotse eh yung gulong nila halos nakasampa sa gulong ng mazda.

    - wala daw kaming insurance (TPL lang) so kami ang may kasalanan. wala daw kaming magagawa. ituloy daw sa korte. sabi ko hindi porke walang insurance eh sya na may kasalanan.

    all the time, tahimik lang yung lady driver. yung 2 kasama nya ang nagbubungga. nagbitaw pa ng derogatory words sa wife ko. tabatchoy face daw. eh yung kasama nya mataba na nga pangit pa. lol

    sabi ko sa lady driver, alam kong deep in her mind alam nyang sya may kasalanan so magdecide sya kung ano gusto nya mangyari. ok lang sa amin kahit insurance nila magpapaayos yung gasgas at dent (front right door + front right fender)

    sobrang badtrip nagmamayabang pa yung 2 kasama habang paalis kami ng LTO office. sa Monday daw ulit magkikita kita

    ano ba usually ang proseso pag napunta sa korte yung kaso? may pag asa ba based sa mga pictures?

    Thanks in advance.

    Pictures:














    The rest of the pics here -> Album - 15 images

  2. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3,822
    #2
    check the police report if kayo ang car 1 or car A, kung hindi talo na kayo sa korte nan. if sa picture magiging basehan yung wife mo ang mali since siya ang wala sa lane niya. but i wasn't there, just saying kung base lang sa picture, basta tingnan mo police report at siguraduhin car 1/A kayo pag hindi advice ko wag ka na maki pag laban sa korte since wala ng laban yan at sasayangin mo lang oras mo. kausapin mo na lang yung other party and tell them na kkb na lang kayo.

  3. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    118
    #3
    It's not worth it to drag this case to court baka mas malaki pa gastusin mo kesa pagawa. Kung nag-iba ang report ng pulis just because somebody called, nakakainis pero isipin mo na lang na abuloy mo na lang sa kanila yun. Pero if you felt na agrabyado ka, it's all up to you.

  4. Join Date
    Dec 2011
    Posts
    218
    #4
    Straight ang position ng altera sa kanyang lane, Mazda yung merging. When you're merging you have to wait for the one on the right of way to give way. Kung magkabanggaan yung nasa right of way ang lamang sa kaso. Unless mapatunayan gusto ka talagang banggain nung nagmamaneho sa nasa right of way, mahirap manalo sa kaso.

  5. Join Date
    Nov 2011
    Posts
    473
    #5
    dami ko na encounter na ganyan, you are merging to the other lane with your signal lights pero di ka pinag bibigyan, parang mga color blind or what...pero dahil malaki part na ang naka usli ng mazda eh isa lang yan, mabilis ang pag dating ng isuzu at di sya alert at baka na gamit ng cellphone while driving...

  6. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    97
    #6
    Hi, isn't tpl an insurance. You have to call your insurance and have their lawyer settle it.

  7. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #7
    Quote Originally Posted by gsprimetime View Post
    Hi, isn't tpl an insurance. You have to call your insurance and have their lawyer settle it.
    TPL is nothing but a bogus racket of LTO. Calling them to fix this is nothing but a waste of time.

    I would have to agree with foresterx, based on the pics, mukhang si wifey mo 'at fault', mukhang kumabig sya nang nasa blindspot nya yung Alterra.

    Just my 2 cents based on the pic.

  8. Join Date
    May 2011
    Posts
    114
    #8
    TPL is Third party liability meaning pag may tao kang binangga, yun ang covered. Dapat TPPD Third party property dmage ang meron ka para covered yun car na binangga mo. Check if you have that in your insurance. But that still doesn't cover your own car.

  9. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #9
    Sa pointof view ko, the mazda is at fault. It looked like the mazda pushed itself into the alteras right of way, without waiting for the altera time to give way.

  10. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,627
    #10
    wait for the police report. without it, neither of you can go anywhere fast.
    but based on the pictures, your wife appears to be at fault. why? because the vehicle on the lane has right of way. vehicles who wish to switch lanes have to wait for the vehicle with right of way, to give her the privilege of changing lane. but if you can give proof (which i doubt) that the alterra already gave mazda the privilege to switch lanes, but changed his mind at the last moment..
    there are rules on right of way.. it's not always "unahan na lang".
    bearer of bad news...

    but i am curious as to the two pasaheras... maybe they just like to talk..

  11. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    2,938
    #11
    Seriously, bakit kelangan pa i-corte ang mga banggaan ng mga kotse? Insurance lang naman yan. Magkano ang alterra o yang mazda. 8-9k the most lang ang participation diyan.

  12. Join Date
    Dec 2011
    Posts
    218
    #12
    Agree with others comments, dapat nakapag merge na sa right most lane before sa intersection kung balak kumanan.

    Kung nasa intersection na yung altera, first car on the intersection and waiting for the green light, the driver wouldn't expect na may magviviolate ng traffic at icucut siya sa harapan para kumanan. Kun lahat ng nagmamaneho ieexpect na may reckless driver na cucut sa lane niya lalong ang bigat ng traffic sa atin. Isipin mo straight na takbo ng lahat pero menor ng menor kasi baka biglang kumabig yung nasa kabilang lane.

    Kaya may right of way, para confident yung nasa right of way to drive within the speed limit without worrying that other drivers will cut him. And if he indeed gets cut and get into an accident, the law still protects him. Otherwise balik tayo sa original scenario na bigat lagi traffic dahil mabagal lahat magmaneho.

  13. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    397
    #13
    Your wife is at fault. Let insurance take care of it.

  14. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    36
    #14
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    the driver of the white will probably be asked, "what were you doing in the middle lane, when you were supposed to turn right at the corner?"
    i do not know how this will be judged, but i am asking a question likely to be asked..
    hindi pwede sa corner ka mismo mag right sir kung nasa middle ka pa. delikado. dapat before mag intersection nasa outermost lane na. kaya yun ang ginagawa nya. nagswitch to the outermost lane sya nung lahat ng sasakyan ay naka stop since red yung stop light ahead.

    Quote Originally Posted by 170kphlang View Post
    agree din ako sa karamihan dito, and dapat about 30-50 meters palang, if your wife intends to turn right she is supposed to be on the rightmost lane na agad. madaming ganito kung kailan subo na at malapit na malapit na dun palang sesenyas na kakanan pala.
    sa harap ng Alco Building nangyari yung accident sir. More than 50 meters pa yun before sa Buendia-Paseo intersection. Malaki yung sketch ko kaya nagmukha malapit na sa intersection. my bad. Yung wife ko na mismo nagsabi na alam nyang delikado pag right before sa intersection sya mag switch ng lane kaya malayo palang at nung may chance at alam nyang safe mag switch ng lane since stop lahat ng sasakyan, dun sya nag merge to the outermost lane. Buong hood na ng kotse ang nakapasok sa lane before palang mag go ang traffic.

    Quote Originally Posted by babynos01 View Post
    Sir, judging from the pictures, around half of Mazda has already occupied the rightmost lane.
    First point of contact is door na, hindi bumper. My guess is that the Alterra didnt saw it coming (nag memake up or some sort) and accidentally bumped your wife. Second guess is Alterra saw Mazda merging, Alterra doesnt want to give way so she speed up and boom.
    Third guess is Alterra is on Mazda's blindspot. Mazda didnt see Alterra on her side mirror and immediately changed lane and boom.


    Since malapit na rin sa stop light, check the road lines sir. Kung dashes palang, pwede ka pa mag lane change. Kung solid line na, hindi na pwede.
    If the odds are not in your favor, then dont bring it up. Baka gamitin pa yan against your wife.
    And dont bring it to court na. Gagastos lang kayo. Settle it amongst yourselves.
    dashes yung line sa part na yun sir. More than 50 meters before mag intersection. Yan din ang nasa isip namin. Possible wala sa manibela ang concentration nung driver. Kasi matagal na ganun na yung position nila before palang mag go yung traffic light. Nung naka stop lahat at malaki ang space between yung alterra at yung nasa harap nya, nag try na mag merge yung wife ko with right signal lights on. pagka green nung traffic light, bangga kaagad sya.

    Quote Originally Posted by HondaWay View Post
    Agree with others comments, dapat nakapag merge na sa right most lane before sa intersection kung balak kumanan.

    Kung nasa intersection na yung altera, first car on the intersection and waiting for the green light, the driver wouldn't expect na may magviviolate ng traffic at icucut siya sa harapan para kumanan. Kun lahat ng nagmamaneho ieexpect na may reckless driver na cucut sa lane niya lalong ang bigat ng traffic sa atin. Isipin mo straight na takbo ng lahat pero menor ng menor kasi baka biglang kumabig yung nasa kabilang lane.

    Kaya may right of way, para confident yung nasa right of way to drive within the speed limit without worrying that other drivers will cut him. And if he indeed gets cut and get into an accident, the law still protects him. Otherwise balik tayo sa original scenario na bigat lagi traffic dahil mabagal lahat magmaneho.
    malayo pa sila sa intersection sir. More than 50 meters siguro. Sa harap mismo ng Alco Building nangyari. Malaki lang yung sketch ko kaya nagmukha nasa intersection na sila.

    actually ayaw namin umabot pa sa korte. Ayaw namin magka record at sobra hassle syempre. Yung 2 asungot lang kasi ang nagsusulsol sa lady driver. Most of the time tahimik lang sya. Ok naman sya kausap. Never nga nya sinabi na yung wife ko ang bumangga sa kanya unlike yung 2 asungot na binu-bully talaga wife ko. basta sabi nya lang nya bigla daw nag swerge yung mazda. Pero before palang sila mag move (green traffic light), naka pasok na yung buong hood ng kotse sa lane nya with turn right signal lights on.

    sabi ko sa lady driver ok lang naman na yung insurance nila ang mag aasikaso na or kung willing syang mag settle nalang. pero yung 2 asungot were taunting na sa korte nalang magkita. na para bang pinapamukha na sure winner naman sila. alam namin na malakas yung connection nila. Hence yung pagka tameme nung pulis after nya maka receive ng call from someone. yung middle name nung lady driver eh kaparehas ng mga bueno at maimpluwensyang pamilya sa buong pilipinas. naka pangalan din sa isang malaking construction company yung alterra.

  15. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    895
    #15
    maaring nagdadal-dalan yung tatlo sa alterra kaya hindi napansin na nag-merge yung mazda. busy siguro sa kwentuhan kaya pag-go andar na agad, ayun sapul. minsan ganun eh.

  16. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,553
    #16
    mukhang hindi nagbigayan e. yung position ng mazda parang biglang liko pakanan athindi napansin yung alterra.

  17. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    626
    #17
    Quote Originally Posted by harold13 View Post
    mukhang hindi nagbigayan e. yung position ng mazda parang biglang liko pakanan athindi napansin yung alterra.
    Pansin ko nga din sir e. Masyadong nakaliko. Normally kasi dapat paunti unti.
    Yung mga ganyang degree nang liko is normally associated on sudden lane change; yung tipong dikitan talaga yung mga kotse and you persistently try to change lane.

  18. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    523
    #18
    Quote Originally Posted by Balikpinoy View Post
    Your wife is at fault. Let insurance take care of it.
    Judge ikaw ba yan?

    TS talk with the alterra driver and for sure reasonable person yun, unlike her two lady passengers.

    Try mo itanong kung naka Compre insurance si lady alterra, try mo kung payag sya ipagamit un insurance nya by you paying the participation pero dapat sa police report si lady alterra ang may sala. Para maipapagawa ng insurance nya un alterra nya at mazda3 nyo. HTH

    Tulad ng nangyare sa naka bangga sakin a few years back, minor at naka inom pa, un magulang pati natin lolo nun minor tiklop tuhod magpa umanhin dahil walang pambayad. Sabe ko na lang bayaran na lang insurance participation ko para maipagawa un kotse ko sa casa. If i remember it correctly, parang 5k lang ata participation ng compre insurance ko.
    Last edited by kutangbato; April 28th, 2013 at 01:27 PM.

  19. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    195
    #19
    Quote Originally Posted by kutangbato View Post
    Judge ikaw ba yan?
    This made me LOL :rofl:

  20. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    397
    #20
    Quote Originally Posted by kutangbato View Post
    Judge ikaw ba yan?

    TS talk with the alterra driver and for sure reasonable person yun, unlike her two lady passengers.

    Try mo itanong kung naka Compre insurance si lady alterra, try mo kung payag sya ipagamit un insurance nya by you paying the participation pero dapat sa police report si lady alterra ang may sala. Para maipapagawa ng insurance nya un alterra nya at mazda3 nyo. HTH

    Tulad ng nangyare sa naka bangga sakin a few years back, minor at naka inom pa, un magulang pati natin lolo nun minor tiklop tuhod magpa umanhin dahil walang pambayad. Sabe ko na lang bayaran na lang insurance participation ko para maipagawa un kotse ko sa casa. If i remember it correctly, parang 5k lang ata participation ng compre insurance ko.
    Bakit papayag ang Alterra na sa insurance nila ang gagamitin? If the Alterra owner files a claim against her insurance policy, her insurance premium will go up the next year.

Page 1 of 4 1234 LastLast

Tags for this Thread

Nabangga kotse ni misis