Innova diesel, eto ang na surpresa rin ako kasi since diesel at galing ako sa fieldmaster at sa crosswind di ko akalain na ang ganda ng hatak, tapos matipid pa for my taste, pakiramdam ko halos doble ang natatakbo niya compared to the livina..kumbaga ba kung yung 500 ng livina papuntang makati from our place in mindanao ave ubos na gas sa eastwood pag balik, sa innova sa same amount in diesel, makakauwi pa ako at makakapunta uli till ortigas bago umilaw, tantiya ko lang...tapos maluwag di hamak sa livina, at kahit pa sa fieldmaster ko noon. Yung ride, ok din, hindi naman camry level pero para sa ganung sasakyan ok na, tsaka parang solid ang feel pag nalulubak, sa lagay na yan naka 17 pa yung sa akin, what more yung stock..kung ako sayo TS mag innova ka na...lalo na yung napupusuan mo na trim halos kapresyo o mas mura pa sa livina.