Own both a livina and an innova G ...livina is quick, surprisingly quick..easy to drive , maliit kaya swak sa mga singitan. Ang ayaw ko lang is iisa lang ang vent ng AC, pag tirik na tirik ang araw tapos puno, kaya naman niya palamigin hanggang likod yun nga lang naka full blast, ang ingay ng fan..then nasira pa yung vent control ng unit ko sakto nung maglapse yung warranty, may lumalabas na hangin sa may dash kaya nag momoist sa gabi, tinanong ko yung casa, 6k daw yung pull down palang ng buong dashboard di pa kasama yung parts na hindi pa alam kung ano, so pinabayaan ko nalang..hindi din siya matipid pero hindi ko rin naman masasabing matakaw siya sa gas, she has more or less the same FC like my 2 liter lancer EX and forester mga 8km/L sa moderate traffic. Naalala ko just to give you an idea, mga 2 mos ago, ginamit ko from mindanao ave to makati rush hour mga alas otso ng umaga, umilaw na yung empty, kinargahan ko ng 500, umilaw uli siya nung nasa eastwood ako, pabalik sa mindanao ave. do i hate the car? a resounding no, actually i like driving it from time to time, kasi maliksi, maigsi ang hood madali ipark, tapos para lang siya talaga kotse. Kotse na pag emergency at may mga gusto sumabay kasya pito..