Hi Tsikot forumers!

Nangangailangan lang po ako ng advise at insights galing sa mga experieced car owners tungkol sa pagpili ng future first car ko. Just got my NP Driver's License at excited na ako magmaneho. Wala pa akong experience pero I've done some research about some models na prospect ko kaya lang kasi dati ang budget ko lang max 120k kaya sa mga models lang na abot noon ang naresearch ko. Kontento na sana ako sa Nissan Sentra B14. But things change for the better at mayroon na akong 300k max budget.

As of now, ang mga prospect ko ay: Nissan Sentra GSX, Toyota Corolla Altis E,J , Vios, Lynx?, Focus (just saw a 300k ad on ayosdito.ph), Chevrolet Optra Sedan?

Tanong ko lang din po.. Ano ang mas advisable? Repossesed cars? Pre-owned cars? o yung traditional person to person seller? Ano pala pinagkaiba ng pre-owned cars sa 2nd hand (person to person)?

TIA!