Salamat! Excited na talaga ako lol.

Ay ganun? Hindi ba katulad sa US yung "pre-owned" yung as in certified ng manufacturer o kaya ng isang independent assessor? Kasi sabi ng father ko tumingin daw ako sa Philmotors.com, autohubgroup.com at autotradephilippines.com. Mahirap daw bumili kasi sa mga tao at ang sabi niya ok lang daw na wag na daw ako magdala ng mekaniko kapag sa mga ganung dealers. Marunong naman siya sa sasakyan kaya lang nasa US siya kaya mas tiwala siya sa mga "pre-owned" dealers. Mairerecommend niyo ba yung mga dealers na yun na bilhan?

Anyway, maganda ba ang fiesta or focus pagdating sa maintenance, FC at reliability? Kasi kung worth it naman baka kaya ko pang mag-intay ng konti baka lumaki pa budget ko. Hehe.

Gamitin ko sana pala yung car mostly pang service ko sa school. Cavite to Pasay ang kadalasan ruta ko pero once in a year umuuwi ako ng Quezon province or minsan sa Fairview.

Priority ko sana FC, maintenance at reliability. Mukang lahat yun traits ng Toyota lol. Gusto ko nga lang maiba. Ano-ano bang mga models ng car ang kayang tumapat sa Toyota or behind lang ng konti doon sa 3 criteria na yun?

Salamat uli!