Started to wash the car around 4am. Fail. Madilim. Pagsinag ng araw, kitang kita yung mga spots na namiss ko.
Nalimutan ko pa magpalit ng washmitt nung below the belt line na yung pinapasadahan ko. :O
Questions:
1. Pwede ba mag wash ng car kahit may araw na? No shade? For example, around 5-7am? May naalala kasi ako na nabasa ko na bawal raw.
2. Pag nagsha-shampoo ba, lahat dadaanan? Pati windows, side mirror, lights, etc.? Stupid question, sorry. Hehe.
3. Sa application ng tire black, yung gilid lang ng tires no? Hindi yung mismong tumatama sa kalsada. Again, another stupid question. :D
Tapos nag pre-wax cleaner pa ako. Ang trabaho pala. )
Ganito kasi ginawa ko - applied Mother's Step 1 using plush. Removed the wax using same plush towel. Mali ata yun, dapat ibang towel gagamitin for removal. Tapos used the same towel for buffing. Hehe. Di ko naapply yung mga naturo niyo, sorry. Late ko na narealize na gumamit ng ibang cloth(ultra plush) for buffing. Wrong timing pa kasi madaling araw, mahamog. :O
1. Dapat ba completely dry yung panels bago apply-an ng kung anu-ano? In this case, yung Step 1.
2. Napagod na rin ako kaya tinapos ko na. Pero after some time sinilip ko. Ang daming puti-puti.
Suspected culprits:
a. hamog - hindi ko ma remove yung wax kasi may halong tubig?
b. maling towel ginamit - puno na ng Step 1 + hamog yung cloth kaya hindi na maabsorb yung residue?
c. naparami yung ginamit na Step 1 - masyado ako maraming nilagay?
Hindi ko na kinumpleto yung routine kasi napagod na ko at sumikat na yung araw. Ulitin ko kaya. :-?