
Originally Posted by
A121
nung nasa state u ako, ang iingay ng tibak laban sa pagpaparesearch ng mga private companies. commercialization of education ang tawag nila. dapat daw mamamayan ang makikinabang hindi mga kapitalista. gusto ko ngang pag-uumbagin pag nangangampanya sa lab namin. wala namang silang binibigay na pera o kaya problemang kailangang solusyonan... anyway, nung may nagparesearch sa amin. naging ok naman ang resulta tas napaltan yung mga naghihingalo na mga pc at sirang measuring equipment sa laboratory namin.
sa patenting, wala namang kwenta yan kasi di naman yang kaya basta-bastang kopyahin. instead na patent, gawing startup agad or isabak agad sa industry yung na-research.
isa pa sa napansin ko eh ang Pinoy, mahilig sa "diskarte". kadalasan ang diskarte pang short-term na solution lang.