New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 41 to 60 of 85
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    312
    #41
    Kapag nagbabawas ng tubig ibig sabihin may leak.
    Kung maliit lang ang butas, medyo mahirap hanapin pero ang symptom nito nauubos over time yung coolant muna sa reservoir and then sa radiator.
    It takes weeks bago mo mapansin but tataas na dahan dahan ang temp nyan kung hindi napunuan ng coolant.
    Kung puno ang reserve at walang laman ang radiator, rad cap naman yan.

    It has happened to me before, after two weeks kailangan ko magtop up palagi.
    Ang source pala ng leak ay yung aluminum fitting kung saan kinakabit yung lower radiator hose papunta sa engine block.
    Corroded na kaya may pin hole leak. Matagal ko din hinanap at nakita lang nung papalitan ko na yung lower rad hose. Kinalas ko yung fitting para malinis ng steel brush bago palitan ng bagong hose at ayun, lumitaw yung pin hole.

    Ang mahirap sa mga pin holes, nageevaporate yung tubig kasi mahina lang ang tagas kaya walang bakas minsan.

  2. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    814
    #42
    thanks sa info mga sir. palitan ko na rin rad cap since nabanggit niyo na rin. idamay ko na rin yung hoses. though hindi siya nagbabawas over time, pero matagal na rin kasi. baka makunat na and due for replacement na rin.

    by the way, dapat ba OEM ang rad cap and hoses na bibilhin? ma-ssubject kasi sa high pressure kaya dapat matibay talaga diba? or puwede na yung replacement parts?

  3. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,234
    #43
    I suggest OEM. Di naman ganun kamahal. Sakto ang fit ng hose and tama ang rating ng cap. Bring sample if able though.

    Posted via Tsikot Mobile App

  4. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    814
    #44
    thanks JohnM. I remembered when a hose on my father's sentra had a hole, I had to replace it in a gasoline station and there was no exact fit, the mechanic had to cut an available high pressure hose. so far, still works. the car was even driven to Bicol without overheating.

  5. Join Date
    May 2013
    Posts
    213
    #45
    JohnM,

    i ended up replacing the radiator top to copper tapos pinalitan din yun cap + overhaul (all for P2.8k). ang sabi kasi nung gumagawa, pwede pa yun radiator pati fins, wala naman daw tulo. yun plastic top kasi may crack na, baka dun tumatagas yun tubig kaya nauubos. hindi ko pa sya ulit namamaneho ng malayo at high speed and high revs. hopefully maayos na yun problem ko. as of today, mas mababa ng isang guhit ang temp.

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,234
    #46
    Yep yan ang risk ng rad overhaul. Malamang brittle na ang plastic at nabibiyak pagtanggal. Use coolant to prevent rust from forming again ;)

  7. Join Date
    May 2013
    Posts
    213
    #47
    yup brittle na, pinakita sa akin, malulutong na yun gilid. saka barado na ng kalawang yun mga butas (yun ba ang fins?). buti na lang hindi ako umabot na sarado na lahat ng butas hahaha sabi ngman nung gumawa, tatagal naman daw yun kesa gumamit ako ng replacement na mura, madali lang daw masira.

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,234
    #48
    May mahabang thread dito somewhere about replacement radiators regarding metal incompatibility and efficiency. Interesting read to say the least.

    Ihataw na yan para matesting

  9. Join Date
    May 2013
    Posts
    213
    #49
    sige bro JohnM, search ko nga yan thread na yan hehehe salamat sa mga inputs. laking tulong.

  10. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    814
    #50
    nice, hopefully yan na ang kasagutas sa problema mo hehe.. I would say 2.8K is just about right. I previously asked for a conversion (plastic top to copper) cost and it was around 2K. 800 for the top and bottom overhaul price is also fair enough.

    btw, kelan ba last time na nagpalinis ka ng radiator? never pa?

  11. Join Date
    May 2013
    Posts
    213
    #51
    jeDi13,

    never pa...yata. i got my car 2nd hand. hindi ako bumibili ng bago, bro...walang pambili hehe i guess the previous owner didn't bother as long as the car is running. first time ko kasi ma experience yun tumaas ang temp at highway speed. yun sa isang sasakyan kasi, sumabog yun top kaya hindi ko na inantay mag overheat.

    btw, pwede ba linis lang? o talagang overhaul kaagad? puro kalawang at sarado na yun mga butas nung binuksan.

  12. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,234
    #52
    Mahirap ata maglinis without removing the top kaya nagiging cleaning = overhaul. Kung coolant ang ginamit I think you can get away with a radiator flush every 80k kms (have to check the manual for that). Kung tubig lang mas madalas ang overhaul because of the rust.

  13. Join Date
    May 2013
    Posts
    213
    #53
    i see. naglagay ako ng coolant nung nagpalit ako ng timing belt. naubos na daw hehehe ilang coolant ba dapat? balak ko i-drain yun tubig pero test ko muna 1 week kung talagang hindi na nagbabawas. pag ok na, drain ko na yun tubig tas papalitan ko na coolant. san pala nakakabili distilled water?

  14. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,234
    #54
    Absolut distilled pwede na. Kung ok na sya mas kampante ako sa pre-mixed coolant like Prestone. Kelangan kasi tama ang ratio ng coolant concentrate to water. Dala ka na lang ng extra sa trunk.

  15. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    814
    #55
    ah kaya pala. hindi naka-coolant yung previous owner. kung may nakikita kang rust pa rin, i suggest magpa-overhaul ka ulit after 6 months.

    usually 3-4 liters ang kailangan. i agree with johnM, konti lang difference ng premix sa concentrate. mas sigurado ka pa sa mixture ratio.

  16. Join Date
    May 2013
    Posts
    213
    #56
    sige nga titingin ako ng pre-mixed coolant. anong brand gamit nyo? buong buhay ko, tubig lang gamit ko. ngayon lang ako nag inarte hahaha wala kasing internet noong araw bwahahaha

  17. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    814
    #57
    nag-try ako ng Prestone dati, both on my father's sentra and my EK Civic. pero shortly after, biglang nag-overheat hehe.. inisip ko noon baka hindi maganda Prestone. or maybe madumi na rin cooling system and baka barado na radiator. and nung nilagyan ko ng coolant, baka lalong bumara, or just coincidence.

    anyway, wag ka na mag-tubig. actually, oks lang naman, pero hindi tap water ha. at least man lang distilled kung ayaw mong magaya yung kotse mo sa sentra ng father ko. twice top overhauled. pinalitan ng hoses, rad cap, thermostat, thermoswitch, and yung labor. siguro inabot din siya ng 15K dahil lang nagtipid at tap water lang nilalagay hehe

    nabenta ko na EK civic ko. yung sa ES ko ngayon, Honda coolant na gamit ko.

  18. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    746
    #58
    Pro99 coolant currently yung sa akin mura eh hehe. 150 for a liter concentrate, bought 3 so good for 6 liters sya sakto sa na-drain ko. Sa next drain/flush ko baka mag 4 or 5 bottles ako since may natitirang water pa sa loob that I cannot drain, di ko makita engine drain plug. For topups water galing sa refilling stations ang nilalagay ko

    Nagpa overhaul ako kay Jorge one time (of Jemson Electrical / Jorge Radiator shop ng Banawe, see Electricals forum). Halos orange na yung kulay because of rust Sinabay ko na lang palit ng upper and lower radiator hoses. Kung dati umaakyat ako ng Tagaytay umaabot sa 1/2 yung temp guage pagkatapos ko magpagawa mga 1/6 - 1/8 na lang hehe

  19. Join Date
    May 2013
    Posts
    213
    #59
    hindi ko napapalitan yun hoses...yun ibabaw lang ginawang tanso. sabi kasi nung gumawa, ok pa naman yun hose. eto pa, wala daw thermostat na nakalagay, pwede na daw maski wag lagyan? sa weekend check ko nga ulit yun tubig kung nabawasan.

    next month byahe ulit ako, sana hindi na tumaas temp at highway speed.

  20. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #60
    Quote Originally Posted by gutz_3110 View Post
    hindi ko napapalitan yun hoses...yun ibabaw lang ginawang tanso. sabi kasi nung gumawa, ok pa naman yun hose. eto pa, wala daw thermostat na nakalagay, pwede na daw maski wag lagyan? sa weekend check ko nga ulit yun tubig kung nabawasan.

    next month byahe ulit ako, sana hindi na tumaas temp at highway speed.
    brader, kung kasinglambot ng ispongha yung lower hose ng sasakyan mo e tataas yung temp sa highway speeds. dahil sa sobrang bilis ng sirkulasyon ng tubig e nagcacavitate or nagkakaron ng vacuum therefore mas kokonti tubig na iikot (o "hangin" ang iikot). that is, assuming lahat ng piyesa ng cooling system mo e maayos bukod sa lower hose.

    kumbaga parang sumisipsip ka ng inumin gamit ang straw. kapag mejo bilisan mo ang pagsinghot este pagsipsip, nagcocollapse ang straw at wala ka na masipsip na inumin.

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Overheating at High Speed (revs) and uphill