Quote Originally Posted by starscream_7phi View Post
Hi. Tanong ko lang po kung ano posibleng sira ng aircon ng altis 2005 E model (climate control) ko, nawala po lamig nya kahapon after ko gamitin, samantalng mula banawe hanggang pasig ay di po nawalan ng lamig? Bagong palit po magnetic clutch at buo po mga fuse at relay, at mas lalo na pong kumpleto ang freon. Help naman po dahil me mga nagsasabi palit compressor pero nag aalangan po ako. Thanks po sa input.
Kung may supply po yung cluch ng compressor at di naka engage ang clutch ng compressor ang sira po ay clutch lang po, pero kung may gas naman at naka engage naman po yung clutch pero mababa po ang reading sa HIGH side ng ac gauge (using sc pressure gauge) malang sira na po compressure nyo, di na po bumubomba kaya low na po ang pressure