Hi patulong naman po ako sa problema sa AC ng civic 07 ko.

Pinagawa ko sya last week tapos may nakitang leak. Nilagyan ulit ng freon saka inayos yung part na may leak at nalinis na din yung parts ng AC. Nung dinrive ko pauwi okay naman, malamig na ulet.

Kaso after 2 days, nawawala ulit yung lamig lalo na pag long drive. Nakita eh yung condenser fan ko di umiikot, pag tinuktok saka lang iikot kaya pinalitan yung motor. Kaya bumili ako ng replacement para sa motor. Okay na ulit sya nung dinrive ko pauwi, kaso after 2 days ulet, nawawala na naman lamig.

Pag cold start lang malamig tapos after siguro 2 hours of continuous driving mawawala na. Pag pinatay ko AC for 10 minutes tapos binuksan ko ulet lalamig ulet sya kaso siguro for 2 minutes lang tapos magiging stale ulet yung hangin, amoy kulob pa yung nalabas. Ano kaya problema ng AC ko? Bukas ibabalik ko dun sa pinagpagawaan ko kaso wala na ko tiwala dun eh lol