^
Dapat honest ka. Kung may balak ka magtnt eh malaki chance mahuli ka. Magaling bumasa ng body language mga consul. Mukhang mga psychologist.
Year 2002 nung nakakuha ako 10 years multiple entry. Kakagraduate ko lang ng college. Nilagay ko reason bakit pupunta sa america eh manunuod ng nba game. Nakakatawa sa US embassy mga tao tense. Sobrang tahimik.
Wala pa ako 30 minutes nakaupo tinawag ako nung koreanang consul. Tinanong bakit punta america. So sabi ko nuod basketball. Tinanong kung balak ko magbusiness doon, sabi ko hindi.
Hanggang ngayon hindi pa ako nakakapunta sa america. Sayang lang daw visa ko. Malapit na magexpire sa 2012. Baka bago magexpire try ko pumunta kung may time.
Ang isa pa advice ko sayo magsuot ka lang ng normal na damit na sinusuot mo sa araw-araw. Wag ka magdress to kill tapos hindi mo kaya dalhin. Halatang nagpapaimpress ka lang. Maraming naka coat and tie nadedeny.
Ako maong at sneakers approved.
