Mga boss, hingi po sana ako ng tulong /advice kung ano po yung dapat kong gawin. Less that 4 years old pa lang po yung toyota avanza ko, A/T, 31k pa lang mileage. Regular po ang check up sa casa. last check up was last July 2016. Then last week, Aug. 08, suddenly ayaw na gumana yung reverse. Dinala ko sa casa last wednesday, i had it towed para di lalong masira yung tranny.

Nung binaba nila yung oil pan, may nakitang mga metal. ang sabi baka galing sa drum ng multiple gear saka may mga powdered metal na nakita din. ang suggestion ng casa is overhaul at maraming papalitan na parts or total replacement ng transmission, ang estimate will cost around 280k. muntik po ako himatayin sa presyo.

sa ganong kabata pa po ng avanza, posible po ba na masira na agad yung tranny ng ganun? casa maintained naman. pwede po ba maghabol sa toyota pag ganun? lagpas na po kasi ako sa warranty na 36 months.

patulong naman po saka kung san po ako dapat magpagawa. btw, pina-tow ko na po uli pabalik ng bahay, dahil hindi ko po talaga kaya yung estimate ng casa. baka may alam po kayo na gumagawa ng matic tranny in cavite, pa-advise naman po.

Please help!!!

Thanks in advance po.