Mga bossing patulong naman newbie lang. Nagpark kasi ako sa basement ng isang building sa Commonwealth near St. Peter's Church yesterday nung palabas na ko sobrang taas ng paahon. At first hindi nakaya ng oto ko ang paahon so i tried to shift it sa low gear (L) pero ayaw pumasok galit na galit ang makina at kumakamot ang gulong. So what i did was umatras pabalik sa basement para kumuha ng bwelo and i activated the overdrive. Finally nakaahon ako. My worry is after this may naamoy ako na parang sunog na goma. Is it the ATF or nagoverheat and tranny ko or gulong lang yun na naginit sa sobrang kamot? Paadvise naman hindi kasi ako mapakali baka nasira ang tranny ko. TIA.


Reply With Quote

