Same here.. sa owner type jeep din ako natutong mag-drive. Kaya lang till now di ko alam kung tama ba ung naging practice ko na baon ang clutch kapag-nagmemenor. Ganun kasi naging turo sa kin. Clutch driver na ba ako?
Pag menor, release lang ang gas. Pero kung kailangan pang mas bumagal, preno lang ang apak.
Pag aarangkada at bitin na yung speed sa gear e saka lang aapak ng clutch, or kung hihinto na!
Mali yung aapak ka ng clutch kung menor lang except kung gusto mong mag-cruise.