Quote Originally Posted by lowslowbenz View Post
Pag natuloy ang "Phase-out System" na yan ... lahat na kotse ko phase-out na ....
bakit bro, ilang taon na ba mga sasakyan mo?

di naman ibig sabihin na kapag nagkaroon ng phase out system, pati private cars ay sakop kaagad...

pwede itong umpisahan sa mga Public utility vehicle...


mga lumang buses o jeepney at taxi, pwede naman ibenta sa probinsya yan...


Then saka isunod naman ang mga pribadong sasakyan...

kung gustong gamitin pa din ang mga antigong sasakyan, me extra tax dapat yan...bago pumasok sa MM...o yung mismong taga MM ang mga may-ari,sa pagpaparehistro pa lang me extra tax na yan...(sorry bro...)


Bakit kailangang patagalin pa...dapat magkaroon na ng phase out system...

sigurado akong epektibo ito, pero sa pag-implementa ng batas lang magkakatalo...sigurado maraming magrereklamo, pero pansinin naman natin ang lumalala nang trapiko...lalo pang mas lalala yan sa mga susunod pang mga taon.

maski dagdagan pa ng sangkatutak na flyovers o mga C5s, ganun pa din...

color coding? walang nangyari...ganun pa din..

dapat magbawas ng sasakyan at isabatas na ang Phase out system ng sasakyan sa Metro Manila..

just my 25centimo mga kapatid..