Results 1 to 10 of 16
Threaded View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2009
- Posts
- 61
March 23rd, 2010 09:41 PM #1Hi! Last December habang hinihintay ko yung nanay ko sa labas ng PAG-IBIG sa may EDSA Balintawak may lumapit na MMDA officer tapos sinabi ko na may hinihintay lang. Lumagpas sya tapos maya maya pumunta sa harap ng kotse ko at parang nililista plate number ko. Di ko naman pinansin kasi di naman ako hiningian ng lisensya. Kanina, may nakita akong isang kotse na pinapatigil ng MMDA officer tapos hindi sya tumigil, tapos nakita ko na parang nililista din ng mga MMDA officer yung plate number. Natakot tuloy ako kasi baka may violation na pala ako nun, hanggang 2011 pa naman yung registration ng kotse at baka pag dating ng 2012 sobrang laki na ng fine. Ano na ba talaga ang policy ng MMDA ngayon pag nanghuhuli? Thanks.
Hyundai Santa Fe GLS 2024
Tsikot Hyundai Registry