New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 16
  1. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    61
    #1
    Hi! Last December habang hinihintay ko yung nanay ko sa labas ng PAG-IBIG sa may EDSA Balintawak may lumapit na MMDA officer tapos sinabi ko na may hinihintay lang. Lumagpas sya tapos maya maya pumunta sa harap ng kotse ko at parang nililista plate number ko. Di ko naman pinansin kasi di naman ako hiningian ng lisensya. Kanina, may nakita akong isang kotse na pinapatigil ng MMDA officer tapos hindi sya tumigil, tapos nakita ko na parang nililista din ng mga MMDA officer yung plate number. Natakot tuloy ako kasi baka may violation na pala ako nun, hanggang 2011 pa naman yung registration ng kotse at baka pag dating ng 2012 sobrang laki na ng fine. Ano na ba talaga ang policy ng MMDA ngayon pag nanghuhuli? Thanks.

  2. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    275
    #2
    Ganun na new style nila..lista ng plate number tapos sa registration mo na lang malalaman...

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    ^^ Kahit di ka in-issue-han ng tiket, lalabas na may violation ka? Basta ililista lang yung plate no. mo? Hindi naman ata tama yun.

  4. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    55
    #4
    Quote Originally Posted by MarcRio View Post
    Ganun na new style nila..lista ng plate number tapos sa registration mo na lang malalaman...
    Pede ito maabuso. Pano kung lista lang sila ng lista ng mga plate numbers na mapagtripan nila? Dapat informed ang driver ng kotse na may violation sya at merong ticket, kahit hindi na kunin ang lisensya.

  5. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    316
    #5
    MMDA officers will issue you a Traffic Violation Receipt (TVR) without them getting your license. If you have any fines for that it is usually stated at the receipt and if you didn't pay any fines it'll be a hassle when you renew your driver's license.

  6. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    46
    #6
    Medyo malabo nga talaga ang sestema ng MMDA sa paghuli,at sa lugar ng panghuhuli.
    Example ko dyan yong paghuli sa kin kahapon sa robinson's place sa marcos hiway. Coding ako kc ending in 3 yon sa kin,ang tanong ko sa mmda officer,di ba Cainta na to?Hindi daw,ang sabi sa kin,Pasig daw yon.Ang kaso nakalabas na ko ng robinson's at nasa tapat na ko ng parking lot ng sta.lucia,ibig sabihin nasa Cainta na ko,So, to make the long story short,hindi ako pumayag. Siguro,dapat makipag usap din tayo sa mmda officer sa paraang malumanay.

  7. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #7
    Eto yata ang ginagawa nilang 'contactless" issuance of TVR

  8. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    7,119
    #8
    Ano ba yan, manghuhuli na lang tinamad pa. Very high nga ang potential for abuse. Paano ito icocontest? Malamang pagdating sa registration time hindi mo naman maalala na kung nasaan ka nung time ng "violation" mo.

  9. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    1,363
    #9
    mas maigi siguro na humingi nang resibo for any violation mahirap naman yata na lista lang plate mo as other forumer say they might abuse the system or who knows baka mayroon silang kota eh basta na lang lista plate eh kawawa naman si Juan heheheh

  10. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    61
    #10
    badtip to ah. yung nasa likod ko na pula ang plate hindi nilista. hay talaga naman. maling mali nga ito. paano kung dumaan ka lang tapos napagtripan ka ng officer tapos nilista ka, magugulat ka na lang dami mo ng multa.

Page 1 of 2 12 LastLast
Paano na ba ang policy ng MMDA ngayon pag nanghuhuli?