
Originally Posted by
Popoy Lagman
Haay sana nga totoo ang balitang iyan.. Lumabas na ang show cause order ko na ifinile nung April 10, may hearing na kami sa April 28.. Pinerwisyo nila ko nang husto, walang mediation na magaganap! Ilang araw ako nag leave sa trabaho pabalik balik sa casa. Yung takot mo na gamitin ang sasakyan dahil baka mahuli ka, ang tindi ng trauma na inabot ko dito. Gumastos pa ako ng acceptance fee ng abogado para makapag file ng complaint. Biruin nyo, Nov. 2014 ko nabili ang sasakyan, March 12, 2015 lang nila nirehistro. Katuwiran nila wala daw opisina ang LTO gawa ng naglilipat sila ng office (from East Ave. to G Araneta) simula January hanggang mid February 2015. Eh anong ginawa nila nung first two weeks ng Dec. 2014, at first week ng March 2015? Ang masaklap pa nito sinigawan ko na sila at lahat at nakausap ang general manager nung April 1, hanggang ngayon wala pa rin akong plaka! Anak ng tupang sakang! Tamaan sana sila ng kulog!
Meron na pala akong OR/CR copy (dated March 12) binigay nila sakin nung April 1. Mangyayari nito pag nahuli ako, payb tawsan petot ang damage nito dahil wala pa akong plaka. Tsk tsk.