1.3J
1.3E
1.3G
1.5G
1.5 XX
1.5S
1.5SE
I don't own a VIOS.
Update lang po mga guys, bale kahapon around 6pm nawala na lahat ng electronics ko habang tumatakbo pati power steering and tumigas ang break, buti na lang mabagal takbo ko tapos naitabi ko ng maayos. Ibig sabihin po hindi na nag chacharge yung battery ko - so alternator na po talaga ang problema.
ang mahirap po mahal ng alternator dito sa probinsya namin, bnew (8,000) or surplus (6,000), pero sa kagandaang palad, nakapag research ako sa VCP at nahanap itong thread na ito: Login
Kinausap ko yung aking mekaniko, binaklas namin yung alternator at chineck lahat, nakita nga namin na may 2 diode na sira sa may rectifier niya. So dun sa kilala namin na nag susuply ng alternator dito sa amin, siya pa mismo nag recommend na rectifier lang ang palitan since yun daw madalas ang sira ng mga toyota. So nakabili po ako 2500 brand new. Kinabit po namin ito sa aking alternator at nag solder solder si kuya. Pag kabit lahat (alternator, belt, neg terminal ng batt) - inistart ko na po yung sasakyan. Ayun - wala na siyang tunog "turbo" chineck din namin yung battery habang tumatakbo ang engine at nasa 13+ above ang reading. Sa wakas normal na po ulit ang aking vios.
So reminder po - pag napakingan nyo po yung tunog na nasa link sa una kong post, ibig sabihin na pala nito warning na na may problema na ang alternator - give or take 2 days bago bumigay so may time pa para makabili ng alternator rectifier (kung ayos pa lahat ng parte ng alternator). HTH
Sorry po my sirs. Newbie lang po at naghahanap ako ng solution dito sa tsikot pero so far wala pa rin akong makita. sana someone can point me to the right thread or offer ng insights. Vios 08 po car namin. Napalitan po ng bago un a/c compressor kasi sira na un leeg. problem after palitan un compressor sabi ng aircon tech, umiinit un compressor pero pag binuhusan ng tubig bumababa naman. Sabi ng aircon tech may problem pa din sa ibang area kaya umiinit un bagong Denso na a/c compressor na pinalit. any suggestions po na ipatingin kasi un sa aircon tech na pinuntahan namin wala silang electrician, aircon lang talaga. Help po.
Mga sir patulong naman. Pag iniistart ko yung vios ko eh may cranking sound. Nag sa start naman. Minsan ganun minsan ndi. Ano kaya sira nito saka san ko ipaparepair? Thanks
Mga sir baka po may nakapag try na. Yung AUX Port po ba sa LCD unit ng Vios natin is for Audio lang ba? O pwede din sa Video? Bago kasi sana ako bumili nd AC Adaptor at AV Aux Cable. Try ko po sana duon un TV Plus. Tia![
Mukhang Audio Aux lng ung port sa harap ng head unit ng bagong vios ntin mga sir. May nakasilip na kaya ng likod ng h.u. ntin? TIA!
Same here, years na rin. Ang hirap ipaayos kasi kapag ipapa-check ko na, hindi ko naman maiparinig sa titingin kasi tulad ng sabi ni crave kailangan malamig ang panahon or matagal hindi nagamit yung kotse.
Ayoko naman sa shotgun approach. Plano ng mekaniko, starter muna, kapag meron pa rin, timing chain tensioner. Though para sa akin mas possible yung sa tensioner hindi ko na lang din pinagalaw. Worry ko lang baka lumalala na pala. IIRC, meron pa isang tsikoteer na may ganito rin problem. Sa mall din, madalas ako may makasabay sa parking, may ingay din pag-start, gen1 & gen1.5.