
Originally Posted by
Amirqwe
Ito po yung 1000 kms PMS ko sa Toyota.
1. Oil + Oil Filter + gasket = 2600 pesos
2. Miscellaneous = 510 pesos
Bawal ipatanggal. Ito raw kasi yung mga glove, pamunas. Basta yung mga ginamit daw ng mekaniko.
Grabe rin pala sa Toyota. Unang singil sa akin ay 10,000 pesos dahil fully synthetic oil at kasama yung mga add-on nila tulad ng engine cleaner. Pinatanggal ko yung add-on tapos mga nasa 7k na. Pinagawa kong ordinary oil (mineral oil siguro) na lang.
6 months interval lang kasi kapag fully synthetic tapos 3 months kapag ordinary oil.
Regarding naman sa transmission ko, pinipilit ng mekaniko na hindi raw niya mareplicate pero nung pinoint out ko sa kanya yung tunog(kasi nagagawa naman niya), sinabi niya lang na normal lang daw yun. Pumunta siya roon sa isa pang Innova tapos nangyayari rin paminsan minsan yung hard shifting (+tunog). Normal lang kaya na paminsan minsan lang nangyayari sa akin yung hard shifting. Liable kaya sila kapag may mangyari sa transmission ng Innova namin?